Ruffa Gutierrez confirms meeting with husband Yilmaz Bektas


Ruffa Gutierrez is now in Los Angeles, California, with her two daughters, Lorin and Venice, and her mom, Annabelle Rama. Ruffa is scheduled to meet with her husband Yilmaz Bektas today.



Kinumpirma ni Ruffa Gutierrez na magkikita sila ng asawang si Yilmaz Bektas ngayong araw, May 24, sa United States. Sa isang exclusive phone interview ni Lhar Santiago para sa "Chika Minute" ng 24 Oras, ikinuwento ng dating Miss World 2nd Princess na nagpapahinga siya ngayon sa Los Angeles, California, kasama ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice. Nag-usap daw sila ni Yilmaz na bibisitahin nito ang kanilang mga anak.

Kalat na rin daw sa Turkey ang balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Yilmaz. Dito naramdaman ni Ruffa na kailangan na niyang gumawa ng paglilinaw sa mga lathalain ng Turkey mismo.

"Nag-usap lang kami and he just told me na lumabas na rin pala sa Turkish press ‘yong news na hiwalay na kami," sabi ni Ruffa, "and I'm gonna write a statement, and I'm gonna be giving it to the Turkish press kasi napaka-inconsistent din ng mga isinusulat nila. I just wanna make sure that I get the stories straight and hindi sila nadadagdagan ng words ang galing sa bibig ko. Kasi ayoko naman din i-upset 'yong family ni Yilmaz, so I'll be preparing a statement and I'll be faxing it over to the major newspapers and 'yong TV shows din sa Turkey."

Nagbigay rin ng pahayag si Ruffa tungkol sa relasyon nila ngayon ng Turkish husband niya.

"Okay naman, we're talking. I haven't seen him since February, so it's normal lang naman siguro na nag-uusap kami, siyempre nandiyan si Lorîn at Venice. He always asks me about them," kuwento ng actress-beauty queen.

Kasama ni Ruffa at ng kanyang mga anak ang kanyang ina na si Annabelle Rama sa dalawang linggong pamamalagi nila sa United States. Matatandaang naging vocal si Annabelle sa kagustuhan nitong makausap si Yilmaz bago niya payagan si Ruffa na muling sumama sa asawa pabalik ng Istanbul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang nag-aabang kung ito na ang magiging daan para bawiin ng mag-asawa ang una nilang in-announce na paghihiwalay. Nauna nang naibalita na imbes na sa Pilipinas, sa Phuket, Thailand, daw dumiretso si Yilmaz para makapag-soul searching.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN