"Silip" is the first mainstream bold movie to come out in years


Scenes from Seiko Films' first movie this year, Silip, starring Diana Zubiri, Francine Prieto, and Polo Ravales. Silip is the first mainstream bold flick to come out after SM chain of imposes imposed a ban on R-18 movies.


Nang mag-decide ang SM chain of cinemas not to show any R-18 movies, nanamlay ang bold movies hanggang sa tuluyang nawala na ito sa mainstream. Kung may gumagawa man ng mga sexy movies ngayon, kadalasan ay independently produced ito o kaya ay digital films ngunit hindi pa rin ipinapalabas sa SM chain kahit sa digital theaters nito.

Wala mang ganitong ruling ang Ayala chain of cinemas, its management rarely release local rated R-18 movies. Tanging ang Robinsons chain of cinemas na lang ang nagpapalabas ng ganitong uri ng pelikula. Sinasabing almost 60 percent of theaters nationwide are part of the SM chain kaya't kung hindi mabu-book ang isang pelikula dito, mahirap nang kumita ang pelikula.

Early last year, nagkaroon ng bagong grade ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board), ang R-13. Restricted to anyone 13 years of age below ang papapasukin sa mga pelikulang may ganitong rating sa MTRCB, at ito ang naging loophole ng ilang pelikula para magkaroon ng chance na maipalabas sa SM chain of cinemas.

Ito ang gustong rating na makuha ng unang pelikula ng Seiko Films this year, ang Silip. Starring Diana Zubiri, Polo Ravales, and Francine Prieto, this is directed by Joel Lamangan from the script of Racquel Villavicencio.

Kung hindi man kasing-daring ng mga dating pelikula ng Seiko Films ni Robbie Tan ang Silip, tulad ng Talong at Patikim ng Pinya na may mga frontal nudity ang mga artista, masasabing bold pa rin ang Silip base sa mga lumabas na publicity stills ng Silip kung saan nakitaan din ng dibdib ang dalawang bidang babae at nagpakita naman ng puwet si Polo.

Sinigurado naman ni Direk Joel na papasa sa MTRCB rating na R-13 ang mga shots niya at madadala na rin sa ganda ng kuwento at may tsansa na maipalabas pa rin ito sa mga SM chain of cinemas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipapalabas ang Silip on June 6.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN