Direk Joel predicts top award for Diana Zubiri in "Silip"


Diana Zubiri impressed director Joel Lamangan with her performance during the shoot of Silip.



"Maniwala ka, magiging Best Actress si Diana [Zubiri] dito!" pagmamalaki ni Direk Joel Lamangan sa performance ng sexy actress sa pelikulang Silip.

Kilalang actor's director si Joel. Kung ilang artista na rin ang nabigyan niya ng first acting award, tulad nina Glydel Mercado, Grand Slam Best Supporting Actress, Sidhi; Angelu de Leon, Best Supporting Actress, Bulaklak ng Maynila; Ara Mina, Best Actress, Mano Po; Kris Aquino, Best Supporting Actress, Mano Po; Dennis Trillo, Best Actor/Best Supporting Actor, Aishite Imasu 1941; and even si Judy Ann Santos, Best Actress, Sabel.

Nadagdagan din ang mga Best Actress awards nina Vilma Santos (Mano Po 3), Nora Aunor (Flor Contemplacion), Zsa Zsa Padilla (Ako Legal Wife), Elizabeth Oropesa (Bulaklak ng Maynila), among others, nang nahawakan sila ni Joel.

Sa pelikulang Silip ng Seiko Films, sigurado si Joel na makakakuha ng kanyang first acting award si Diana dahil na-impress siya sa galing nito.

Flattered naman si Diana nang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa first press con nitong Seiko Films movie kahapon, May 24.

"Sinabi niya [Direk Joel] ‘yon?" patanong ni Diana. "Hindi naman ako umaasa na magka-award, basta ginalingan ko lang ang acting ko rito kasi first time niya rin akong nahawakan. Sabi kasi, strict director si Direk Joel kaya pinaghusayan ko talaga. Kung ma-nominate man ako, di salamat. Pero hindi ko pa iniisip ang award at this point."

Unang nakilala si Diana sa mga bold films ng Seiko early in the millenium. A favorite FHM cover girl, hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin, nagkaroon ng wholesome image si Diana nang mapabilang sa groundbreaking primetime soap ng GMA-7 na Encantadia bilang isa sa apat na magkakapatid na diyosa na kinabibilangan din nina Sunshine Dizon, Iza Calzado, at Karylle.

Sa ngayon, isa sa mga bida ng action-adventure GMA-7 na Asian Treasures si Diana, kung saan kasama rin niya sina Robin Padilla, Angel Locsin, at Marvin Agustin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN