Polo Ravales admits peeping at Diana and Francine in "Silip"


"Of course, hindi naman intentional. Kasipilitin ko man na hindi tumingin, minsan mapapatingin ako nang hindi konaman sinasadya. Pero inaalis ko agad ang tingin ko," defends Polo Ravales about peeping at Francine Prieto and Diana Zubiri during their shooting of Silip.



Part of the longest-running teen drama serial Anna Karenina opposite his first girlfriend Sunshine Dizon, nang nagbalik si Polo Ravales bilang isang mature actor—starting with the risque stage play All About Men: Penis Talk 2, kung saan isa siya sa mga naghubad to their briefs na aktor—masasabing pumantay na rin siya sa status ng kanyang kasabayan na si Dingdong Dantes.

Ang hindi kasi nagagawa ni Dingdong—ang magpaka-daring nang todo tulad ng mga pictorial for print—nagagawa ngayon ni Polo. For a while, naging flavor of the month ng mga glossy magazines si Polo for his willingness to bare.

Bagama't almost two years ago pa ang All About Men, hindi pa rin gumagagawa ng sexy movie si Polo, although nagmuntik-muntikan na rin naman ng kung ilang beses. Sa kanyang independent digital movie na Room Boy, may isang shower scene si Polo rito na kita na sana ang kanyang behind ngunit nawala ito sa finished movie. Siya rin ang unang in-offer-an sa Twilight Dancers, na ultimately ay nakuha naman ni Tyron Perez.

Isang matagal nang pinaplanong independent movie, ang Saddiq, about an OFW (Overseas Filipino Worker), ang dapat na mauunang sexy movie ni Polo. But in the end, mas naunang nasimulan at natapos ang Silip ng Seiko Films under the direction of Joel Lamangan.

May siyam na love scenes sa Silip si Polo with his two leading ladies na sina Francine Prieto at Diana Zubiri—lima kay Francine at apat kay Diana—lahat in different stages of undressing. May butt exposure din siya rito, something na hindi pa niya nagagawa kahit sa mga print and magazine pictorials niya.

Pero ayon kay Polo, nag-plaster daw siya rito.

"Protection na rin sa akin at kina Francine and Diana!" natatawang paliwanag ni Polo during the press con of Silip yesterday, May 24.

"Pero masakit pala. There was a point na binalak ko na lang din na hindi mag-plaster kasi mas hassle kapag meron at napakasakit kapag ikinakabit tapos mas masakit kapag tinatanggal," habol niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala namang plaster sina Diana at Francine at inamin ni Polo na nasilipan niya ang dalawa niyang leading ladies.

"Of course, hindi naman intentional," depensa ng sexy actor. "Kasi pilitin ko man na hindi tumingin, minsan mapapatingin ako nang hindi ko naman sinasadya. Pero inaalis ko agad ang tingin ko."

Dagdag pa ni Polo, mas kaaya-aya raw silipan si Francine kaysa kay Diana.

"Si Diana kasi, matagal ko nang nakakasama sa mga shows sa GMA-7 kaya parang mas nakakahiya naman. Tapos si Francine, mataas pa. Kapag nakatayo kami, parang mas kita ko agad siyempre!" pilyong sabi ni Polo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN