Yasmien Kurdi and JC de Vera developing feelings for each other?


One of the qualities that Yasmien Kurdi likes about her leading man in Pati Ba Piontig ng Puso? is his being fresh-looking all the time. "Si JC hindi lang mukhang bagong ligo, talagang naliligo siya palagikahit sa set. Siguro kada ilang take, nagpapaalam muna si JC paramaligo kasi nga mainit ngayon. Kaya paglabas niya, fresh na fresh siya," explains Yasmien.


Kinikilig si Yasmien Kurdi sa kanyang Pati Ba Pintig ng Puso? partner na si JC de Vera and she thinks the feeling is mutual.

Nai-launch na kahapon, May 24, sa Hard Rock Cafe ang second album ni Yasmien from GMA Records, ang 13-track na Love Is All I Need. Ang kanyang cover version ng "Kisapmata" ng Rivermaya ang carrier single.

Dahil marami na rin kaming naririnig sa set ng kanyang first solo soap na Pati Ba Pintig ng Puso?, na part ng GMA Dramarama Sa Hapon, kung saan nagkakaigihan na raw sila ng leading man niyang si JC de Vera, tinanong namin si Yasmien kung ano sa mga tracks ng kanyang album ang ide-dedicate niya kay JC.

Pinili ni Yasmien ang kantang "Take It Or Leave It."

Hindi man aminin outright, nagkaka-crush si Yasmien kay JC. Asked kung ano ang best trait ni JC, isinagot ng young actress ang pagiging malinis daw nito.

"Si JC hindi lang mukhang bagong ligo, talagang naliligo siya palagi kahit sa set. Siguro kada ilang take, nagpapaalam muna si JC para maligo kasi nga mainit ngayon. Kaya paglabas niya, fresh na fresh siya," paliwanag ni Yasmien.

Aminado rin si Yasmien na nasarapan siya sa halik ni JC. Sa isang scene sa soap opera nila, malulunod ang character ni Yasmien at sasagipin siya ni JC, who will then proceed to administer a CPR (cardiopulmonary resuscitation). Nakatatlong takes daw sila rito.

"Noong unang take, hindi naman nagdikit ang mga labi namin, noong ikalawa at ikatlo lang," kuwento ng young actress.

"Ay, masarap ang labi niya!" biglang napabulalas si Yasmien nang tinanong siya how was JC's kiss.

With all that superlative and complimentary comments, tinanong ulit namin siya kung bakit ang kantang "Take It Or Leave It" ang ide-dedicate niya kay JC. Sadly, ayon kay Yasmien, magkaiba sila ng faith—Roman Catholic si JC at Iglesia Ni Cristo naman si Yasmien.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas importante pa rin kay Yasmien ang kanyang faith kaysa love. Kung willing si JC to convert, Yasmien would be very happy. But definitely, hindi siya magku-convert. Ito raw ang dahilan kung bakit pinili niya ang kanta para kay JC.

Biniro namin siya na bakit hindi na lang "Give Me A Sign," another cut in her second album, ang i-dedicate niya.

"Ay, siya na nga ang nagbibigay ng sign!" pambubuko ni Yasmien.

"Loves" daw ang tawag ni JC kay Yasmien, whether sa set or kapag nagtatawagan sila. Niyaya na rin daw siya ni JC na manood ng sine—ang Pirates of the Caribbean: At World's End ngayong gabi sa Rockwellat umoo na siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN