Rochelle Pangilinan celebrates her birthday with orphans


"Wala na akong mahihiling pa kundi sana magtuluy-tuloy ang pasok nggrasya. Hindi ko na pansin ang pagod, alam ko namang kasama ‘yon," says Rochelle Pangilinan when asked about her birthday wish.



Blooming at mukhang masaya si Rochelle Pangilinan nang dayuhin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kanina sa backstage ng Eat Bulaga!. Kahit wala pang tulog ang SexBomb leader, hindi siya nagpahalata ng pagod lalo pa't birthday celebration niya ngayong araw, May 25.

"Kagagaling ko lang sa taping at dumiretso ako dito sa Bulaga. Kailangan kasi, e. Strike while the iron is hot, ika nga," panimulang pahayag ni Rochelle.

Ayaw nang pag-usapan ni Rochelle ang kanyang edad dahil mas nararamdaman daw kasi niya ang pagtanda. Ang importante raw ay mas malaki ang ikina-mature niya sa pag-iisip sa loob ng isang taon.

Matapos ang Eat Bulaga!, kahit pagod at puyat pa ay dumiretso si Rochelle sa Reception and Study Center for Children sa Bago Bantay, Quezon City. Bibisitahin daw kasi niya ang mga ulilang bata na binigyan niya ng television set dati via At Your Service, ang public-service show sa QTV 11. Dito niya ise-celebrate ang kanyang birthday.

"Galing na ako dito dati. Ni-request ko nga na bumalik dito kasi ang ku-cute ng mga bagets. Ang kukulit nga lang pero, di ba, cute sila?" nanggigigil na sabi ng SexBomb leader.

Nagkagulo ang mga bata nang dumating si Rochelle. Hindi magkamayaw sa paghalik at pag-akap kay Rochelle na hindi naman maitago ang sobra niyang pagkagusto sa mga bata.

Walang kiyemeng nakipag-taktakan si Rochelle sa mga bata, saliw sa tugtog na "Itaktak Mo" ni Joey de Leon. Sunud-sunod din ang parlor games na talaga namang ikinatuwa ng mga ulila.

Taun-taon na raw sanang magawa ni Rochelle ang ganitong charity work. Isang pagkakaton daw para mai-share niya ang biyayang natatanggap niya.

"Time lang naman ang problema ko, e. Ako, parating open na tumulong sa mga nangangailangan, lalo ganito ka-cute," aniya.

Pinaghahandaan naman ng SexBomb dancer/singer/actress ang launching ng kanyang kauna-unahang solo album sa darating na June 6. Kakaibang Rochelle daw ang maririnig natin sa bagong album dahil panay rap ang tema ng mga kanta rito. Siyempre, kagigiliwan pa rin daw ng buong pamilya ang mga kanta sa nasabing album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na akong mahihiling pa kundi sana magtuluy-tuloy ang pasok ng grasya. Hindi ko na pansin ang pagod, alam ko namang kasama ‘yon," sabi ni Rochelle.

"Ayoko muna mag-boyfriend, although di ko ide-deny na may steady date ako ngayon, pero nothing serious. Alam niya ‘yon na friends lang muna kami at priority ko ang trabaho at pamilya ko. Siguro konting panahon pa, iko-consider ko na ang lovelife," patawang pagtatapat ni Rochelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN