Sunshine Dizon on Victor Neri: "Never na naging kami talaga."


"Paano naman kami magiging mag-on, e, di naman siya lumigaw sa akin?Kaya nga natatawa talaga ako kasi wala na yata silang maisip na tsismissa akin. Basta kami ni Victor, never na naging kami," says Sunshine Dizon about a rumor linking her to Victor Neri.



Hindi tinantanan si Sunshine Dizon ng mga tanong kung totoong may relasyon sila ng aktor na si Victor Neri sa press launch ng bagong soap drama ng GMA-7, ang Impostora, kagabi, May 24.



Natatawa nga si Sunshine dahil tuwing may makakasalubong daw siyang reporter ay ito ang palaging tinatanong sa kanya. Para malinaw na raw ang lahat ay nagsalita na rin sa wakas si Sunshine.



"Matagal ko rin kasing iniwasan ‘yang issue na ‘yan," panimula ni Sunshine. "I think that rumor started right after the last episode of Bakekang was aired. Na kami na raw ni Victor and all that.



"Sa totoo lang, never na naging kami talaga. Nagsimula lang kasi lahat sa tuksuhan. Sa set kasi ng Bakekang, ako ang napili nilang mapagtripan doon kaya tinukso-tukso nila ako kay Victor.



"Ako naman kasi, pikon talaga ako. Para lang matapos na ang mga pang-aalaska nila sa akin, sumasakay na lang ako. Ayoko kasi ng makulit. Sige tapusin na natin ito para wala nang maasar. Kaya doon nagsimula lahat, sa simpleng tuksuhan.

"Nahihiya nga ako for Victor kasi kilala ko siya for being so quiet lang. Alam ko naman na hindi rin siya nagsasalita regarding the issue," paliwanag pa ng young actress.



Kung hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Victor, bakit parati raw nakikita si Victor na sinusundo siya tuwing taping ng Bahay Mo Ba ‘To? sa GMA-7 compound?

"Ilang beses lang naman nangyari ‘yon," paglilinaw niya. "Tsaka what's wrong kung sunduin ako ni Victor, di ba? Magkaibigan naman kami at wala kaming itinatago na kung ano."



Dagdag pa niya, "Kung may gusto kaming itago, sana hindi na nagpapakita si Victor sa GMA-7 compound at nakatago na lang siya sa kotse niya. Hintayin na lang niya akong matapos. Pero hindi nga ganon, e. I appreciate ‘yong pagdalaw ni Victor sa akin, pero it doesn't mean na kami na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang latest na balita naman ay break na raw silang dalawa ni Victor. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Ganon? Nag-break kahit wala namang relasyon!" tawa ni Sunshine.



"Nakakagulat naman ang developments sa amin. Paano naman kami magiging mag-on, e, di naman siya lumigaw sa akin? Kaya nga natatawa talaga ako kasi wala na yata silang maisip na tsismis sa akin. Basta kami ni Victor, never na naging kami," pagdidiin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN