Gelli keeps silent about Regine's romance with Ogie


"Matuwa na lang tayo para sa kanila, at i-wish natin na maging maligaya sila sa kanilang relasyon," says Gelli de Belen about the relationship of Regine Velasquez and Ogie Alcasid.



Dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng bagong primetime drama series ng GMA-7 na Impostora. Doon ay nakuhanan namin ng reaksiyon si Gelli de Belen tungkol sa pag-amin nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa kanilang tunay na relasyon.



Matatandaang na-involve noon si Regine sa mister ni Gelli na si Ariel Rivera noong magkasintahan pa lang sila. Si Ogie naman ay kaibigan din ni Gelli, na nagbabalik sa pagdadrama sa TV.



Talagang umiwas na magsalita pa ng kung anu-ano si Gelay. Aniya, "Matuwa na lang tayo para sa kanila, at i-wish natin na maging maligaya sila sa kanilang relasyon."



Ang punto ni Gelli, sa panahong ito'y masaya ang buhay nila ni Ariel.



"Wala akong pupuwedeng sabihin laban kahit kanino. Kung anuman ang tapos na, kinalimutan ko na 'yon. Kasi, kung okay na ang buhay mo, bakit mo pa makikita 'yong negative sa situwasyon ng iba? Wala naman akong puwedeng sabihin, kaya huwag na lang. Baka kasi ako pa ang balikan niyan, at ako ang mawalan," makahulugang sabi ng actress-TV host.



Pero within the confines of showbiz, mukhang going strong ang relasyon nina Ariel at Gelli. Malalaki na rin ang mga anak nila na sina Joaqui, 8 years old, at Julio, 6. Ayan at sila pa rin, at never nabalitaang nagkaproblema ang kanilang marriage.



"Pareho lang kasi kami ng gusto ni Ariel," sabi ni Gelli. "Ganito lang, tahimik na buhay, at ang showbiz sa amin ay trabaho, pinagkukunan namin ng ikinabubuhay. Walang puwedeng maitsismis sa amin, kasi wala talaga. Ang gusto namin ni Ariel, 'yong tahimik pa rin. We can manage with this kind of atmosphere. Hindi rin naman kami nawawalan ng trabaho."



Nagdagdag ng isang workload si Gelli dahil hindi niya natanggihan ang magandang offer ng GMA-7. Bukod sa SIS ay mapapanood na rin siya ngayon sa Impostora. Malalaki na raw kasi ang mga anak niya kaya puwedeng makaluwag-luwag ito sa kanyang schedule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"At saka maganda ang role ko sa Impostora, 'yong api-apihang ina ng dalawang bata na pag nagdalaga na ay sina Iza Calzado at Sunshine Dizon. Tapos, reunited pa ako with Direk Maryo J. delos Reyes na siyang nagtiwala sa akin ng award-winning role ko noon sa Secrets of Sarah Jane," sabi pa ni Gelli.



Tungkol naman sa kapatid na si Janice de Belen, ayon kay Gelli ay okay naman daw ito at may boyfriend na isang Atenista. Okay raw sa kanilang pamilya ang bagong boyfriend ni Janice. Disente naman daw ito at nakikita nilang mahal nito ang kanyang kapatid.



"Sana nga, matagpuan na ni Janice ang talagang para sa kanya. 'Yon lang ang wish ko. Saka hindi totoong magpapakasal na sila. Matagal pa siguro 'yon," sabi pa ni Gelli.



Tinanong din namin si Gelli tungkol sa dating bayaw niyang si John Estrada. Nauwi rin kasi sa wala ang relasyon nila ni Vanessa del Bianco, na siyang dahilan kung bakit naghiwalay sina Janice at John. Ano ang reaction ni Gelli rito?



"Hay naku, wala akong reaction!" tili pa ni Gelli na pailing-iling. "Lahat ng gusto kong sabihin noon sa kanila, nasabi ko na. May sarili na silang buhay, no!"

Gelli celebrated her 34th birthday yesterday, May 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN