Jean Garcia promises not be a stage mother to her daughter


Jean Garcia (right) and daughter Jenica Garcia are both cast in GMA-7's new soap opera Impostora. Jean promised that she will never be a stage mother to her daughter, who has also decided to become an actress like her mom.


Introducing sa magbubukas na soap opera ng GMA-7, ang Impostora , si Jenica Garcia, ang panganay na anak nina Jean Garcia at Jigo Garcia, a former That's Entertainment member.

Sa general question-and-answer portion pa lang during the press con last Thursday night, May 24, sa Plaza Ibarra, naitanong na kay Jean kung magiging stage mother siya kay Jenica.

Hindi naman daw. Pero siguro sa mga unang araw nito, aalalayan niya pa ang kanyang anak.

Patawa naman ng direktor ng Impostora na si Maryo J. de los Reyes, hindi naman daw niya papayagang mag-stage mother si Jean kay Jenica once she starts taping. Hindi pa kasi nakakapag-taping si Jenica dahil first two weeks of the soap opera pa lang ang nakukunan nila.

After the question-and-answer, nag-explain further si Jean kung paano napasok ang anak niya sa showbiz.

"Noon pa naman, marami nang nagtatanong sa kanya kung gusto niyang mag-artista, pero walang definite offers. Hindi ko naman siya naririnig na umaayaw, pero hindi rin siya umuoo.

"Tapos nang may definite offer na ang Impostora, sinabi niya [Jenica] sa akin. Tinanong ko siya kung gusto niya, sabi niya oo. Tinanong ko rin kung kaya niya at sinabi niya she's willing to learn, pumayag na rin ako," salaysay ni Jean.

Alam din daw ni Jigo ang pag-aartista ni Jenica, sabi ni Jean nang tinanong namin siya about this and if Jigo must be proud of their daughter.

"Of course he's proud," sabi ni Jean. "Nag-uusap naman ang mag-ama. Magkasama sila every Sunday. Sabi ko sa kanya [Jenica], magpaalam din siya sa ama niya and I think pinayagan naman siya."

May isang idinagdag lang si Jean about the stage-mothering. Hindi naman daw siya ang manager ng anak niya kundi si Manny Valera, na siya ring manager niya.

"Bahala na si Manny sa career path ni Jenica," sabi ng aktres, na napapanood din sa GMA-7 sitcom, Who's Your Daddy Now?.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN