Mart Escudero stars in his first primetime soap opera


The other half of StarStruck's Ultimate Loveteam, Mart Escudero, is the first among his batch to have a soap opera on GMA-7. Mart plays an important role in Impostora.



Along with newcomers Jenica Garcia and Charee Pineda, introducing din ang other half ng StarStruck 4 Ultimate Loveteam na si Mart Escudero sa magbubukas na soap opera ng GMA-7, ang Impostora. Bida rito sina Sunshine Dizon at Iza Calzado mula sa direksiyon Maryo J. de los Reyes.

Mart plays Yago in Impostora. So far, siya pa lang ang nakukunan sa kanilang tatlo nina Jenica at Charee. He has yet to have a scene with either Charee or Jenica.

Excited si Mart sa Impostora.

"Iba po kasi ito sa isa ko pang show, ang Boys Next Door," sabi niya, na ang tinutukoy ay ang isa pa niyang show sa GMA-7.

Kahit na mas unang nag-tape at nag-pictorial si Mart for Boys Next Door, mas una namang maipapalabas ang Impostora. Happy ang newcomer na may makakasama siyang non-StarStruck graduate for partners dito, pero hoping siya na magkaroon din sila ng sariling show ng kanyang ka-loveteam na si Kris Bernal.

"Okay lang po kasi magkasama naman kami sa Boys Next Door. Pero sana masubok din kami na kaming dalawa lang," asam niya.

Ka-love triangle kasi nina Mart at Kris sa Boys Next Door ang StarStruck 4 Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica.

Kung si Jewel Mische ang unang nagkaroon ng sariling show among StarStruck graduates—via the fourth story arc ng Magic Kamison na "Black Jewel (In Da Palace)"—si Mart naman ang unang magkakaroon ng primetime soap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN