Rumor linking Iza Calzado to Victor Neri is now being revived


"Bakit pa ako magtatanong kay Sunshine regarding Victor, e, siguro naman it's no longer my business, di ba? Kahit siguro tanungin ko si Sunshine na, ‘Totoo ba na kayo na ni Victor?' parang hindi tama. It's like I'm being nosy na," says Iza Calzado about rumor linking her Impostora co-stars Sunshine Dizon and Victor Neri together.



Bukod kay Sunshine Dizon ay na-link din kay Victor Neri ang co-star nila sa Impostora na si Iza Calzado. Una silang na-link habang ginagawa pa noon ni Iza ang kanyang first solo soap opera na Te Amo: Maging Sino Ka Man sa GMA-7, kung saan nakatambal niya ang Argentinian actor na si Segundo Cernadas.



Panay pa nga raw ang babad ni Victor sa set ng Te Amo sa Cavite noon at parati pa raw itong may dalang mga bulaklak para kay Iza. Pero mukhang walang nangyari sa panliligaw ni Victor kay Iza dahil hindi raw sang-ayon ang ama ni Iza na si Lito Calzado sa aktor.



Ngayon ay nali-link naman si Victor kay Sunshine. Pero ayon kay Iza, hindi raw nila napag-uusapan ni Sunshine ang tungkol kay Victor.



"Kami naman ni Sunshine, we talk about many things. Pero regarding sa mga nanliligaw, hindi namin na-touch ang topic na ‘yan," panimulang pahayag ni Iza sa press con ng Impostora last Thursday, May 24.



"Unang-una, bakit pa ako magtatanong kay Sunshine regarding Victor, e, siguro naman it's no longer my business, di ba? Kahit siguro tanungin ko si Sunshine na, ‘Totoo ba na kayo na ni Victor?' parang hindi tama. It's like I'm being nosy na.



"Siguro si Sunshine na lang tanungin nila regarding that kasi siya itong nali-link kay Victor. Kung ano ang maging sagot niya, siguro ‘yon din ang isasagot niya sa akin if ever na magtanong ako sa kanya."



Ayon pa kay Iza, masaya siya sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Jerry Garcia. Kahit nga raw 11 years ang tanda nito sa kanya ay mabilis raw silang naka-adjust sa isa't isa. Iza is 24 years old and Jerry is 35.



"Age naman is just a number," sabi ni Iza. "What's important is nagkakaintindihan kayong dalawa. Ang maganda kay Jerry is marunong siyang maglambing. Bine-baby niya ako paminsan-minsan. And I really find mature men more responsible and more secure of themselves. Kaya ‘yon ang mga klaseng lalake ang choice ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN