Shaina wants a European tour instead of a party on her debut


Young actress Shaina Magdayao will be celebrating her 18th birthday in November. Instead of a debut party, she opted to celebrate her birthday in a European tour with her best friend, Bea Alonzo.



Ngayon pa lang, pinaghahandaan na ng young actress na si Shaina Magdayao ang pagbabakasyon sa Europa na magaganap bago mag-December. Magkasama raw sila ng kaibigan niyang si Bea Alonzo. Baka sumama rin daw ang mommy ni Shaina na si Mommy Deane at ang sister niyang si Vina Morales.



Nakatakdang mag-celebrate ng kanyang debut si Shaina this November, pero mas gugustuhin daw niyang low-profile lang ang celebration. Wala raw grand cotillion at kung anu-ano pang seremonyas. Sa halip na gastusin daw niya ang pera niya sa debut ay ilalaan na lang niya ito sa European tour nila.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Shaina sa set ng pelikulang Katas ng Saudi, kung saan kasama niya sina Senator Jinggoy Estrada, Lorna Tolentino, at ang ka-loveteam niyang si Rayver Cruz. Para sa young actress, passe na ang mga grandiosong pagdiriwang para sa l8th birthday ng isang babae, kahit minsan lang ito mangyari.



Mas gusto ni Shaina na maging praktikal. Magdiriwang siya ng kanyang kaarawan in a more free-wheeling style, basta kasama lang niya ang matatalik niyang mga kaibigan at kamag-anak.

Definitely, kung hindi raw magsasawa ng panliligaw si Rayver sa kanya ay ito pa rin daw ang kasama niya sa kanyang birthday sa November.



Pinag-iipunan daw talaga nina Shaina at Bea ang kanilang European tour. Maglilibot sila sa France, Italy, Ibiza, at baka nga pati sa Amsterdam. Never pa raw kasing nakapunta sa Europe si Shaina kaya sasamantalahin na niya ang pagkakataong ito.

Samantala, next month ay tutungo sina Shaina at Rayver for some shows sa United States. From July 1 to 22, more than two weeks na mawawala ang dalawa. Shaina will be with her Mommy Deane, of course.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN