Vina Morales to compete in a singing competition


"...This is a good chance for us to penetrate the Asian market. Marami naman talaga tayong magagaling na performers dito and yet unknown sila sa mga neighboring countries natin. Baka through this, mas makilala ang Pinoy music natin," says Vina Morales about the singing competition she will be joining.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang actress-singer na si Vina Morales during the launch of IKON Asean, isang bagong tatag na grupong nagnanais tumulong sa mga artists from all over the Asia upang makilala sila via their music.

Sa tulong ng Wolfpac Mobile, under Smart Communications, magkakaroon ng limang linggong singing competition sa dalawang kategorya—solo at group artists—na mapapanood sa cable channel ng Solar Entertainment.

Isa si Vina Morales sa mga professional performers na lalahok sa solo category. Ang iba pang kalahok ay sina Noel Cabangon, Chris Cayzer, Julianne, Sitti Navarro, Grace Nono, Skarlet, at Top Suzara. Isa lang sa kanila ang pipiliin at magre-represent ng bansa sa final leg nito na magaganap sa Malaysia.

Kailangan pa ba ni Vina ang ganitong exposure, lalo na ang isang contest gaya nito?

"Iyan nga ang itinatanong ng mga kaibigan ko. But I do not think it as a contest talaga. Actually, kami ngang maglalaban-laban dito sa Pilipinas sa solo category ay nagkakaisa sa pagsasabing this is a good chance for us to penetrate the Asian market. Marami naman talaga tayong magagaling na performers dito and yet unknown sila sa mga neighboring countries natin. Baka through this, mas makilala ang Pinoy music natin," paliwanag ni Vina.

May 40 percent text component (televiewers) ang contest dito sa Pilipinas. The remaining 60 percent will come from a highly-selected team of music industry experts. Hindi lang basta singing ang pag-uusapan dito kundi ang totality ng performance on stage.

Positive si Vina na she will do well in the contest, lalo pa't hindi naman daw siya baguhan sa mga ganitong sistema—she being discovered in a singing contest, too.

"Pero gusto ko ngang isipin na ibang level ng kontes na ito. Bukod sa pagkanta, titingnan din ang performance mo, like the way you inject some dances in your song, ‘yong total interpretation mo ng isang original Pinoy composition," dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa June 24 na mag-uumpisa ang IKON Philippine TV season at tatagal ito ng limang linggo. Tinatayang aabot sa 25,000 US dollars ang papremyo, aside from the multi-million recording deal with IKON-Asean, plus guaranteed shows and exposures around the Asian countries.

Sa group o band category ay lalahok naman ang Chicosci, Chilitees, Greyhoundz, Kala, Kapatid, Kjwan, Spongecola, Stonefree, The Dawn, at True Faith.

Ayon sa nakausap naming executive ng IKON Philippines, pormal nilang pinadalhan ng imbitasyon ang mga record outfits at mga industry leaders para magpadala ng representative sa naturang kontes. Ang mga nabanggit na solo at group artists nga ang mga napili nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN