Ethel Booba admits accident is her fault


"Kasalanan ko naman talaga. Katangahanan ko rin kasi kaya nangyari ito sa akin. Hindi ako naging maingat kaya heto, dusa sa pagpapaganda ulit," says Ethel Booba about her accident that hit her nose and chin.



Hindi lang ilong kundi pati pala ang baba ni Ethel Booba ay nadale sa isang aksidente na kung tawagin ni Ethel ay isang "katangahan."



Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ethel, na suot ang isang surgical mask dahil kakagaling lang daw niya sa doctor. Tinahi raw nito ang kanyang ilong at baba.

Kuwento ni Ethel, nagbubuhat daw kasi siya ng ilang mga gamit niya, dahil lilipat siya sa bagong condominium, nang maganap ang aksidente.



Ang nakatama raw kay Ethel ay ang isa sa poste ng kanyang four-poster bed. Hindi raw namalayan ni Ethel na matatamaan siya ng isa sa mga poste ng kama.



"Grabe talaga! Nadale pati baba ko!" sabi ni Ethel.

"Kasalanan ko naman talaga. Katangahanan ko rin kasi kaya nangyari ito sa akin. Hindi ako naging maingat kaya heto, dusa sa pagpapaganda ulit."



May mga kumalat kaagad na intriga na hindi raw aksidente ang nangyari, kundi resulta iyon ng away nila ulit ng kanyang boyfriend na si Alex Crisano. Na hindi pa rin daw nagbabago ang pagsasama nilang dalawa. Konting hindi raw mapagkasunduan ay nauuwi na sa isang pisikal na pag-aaway.



Para malaman kung ano ang sagot ni Ethel sa tanong na ito, live na sasagutin ito ni Ethel bukas ng hapon, May 27, sa Showbiz Central.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN