Former Regal Baby Mackoy Simaco fights for his life



Fifty-fifty ngayon ang dating Regal Baby na si Mackoy Simaco.

Nasa St. Luke's Hospital ngayon si Mackoy, ayon sa kanyang kaibigan na si Manny Valera. Tinawagan si Direk Manny ng pamilya ni Mackoy habang nagpi-press con si Rica Peralejo for the next Regal Films movie na ipapalabas this year, ang Tiyanaks. Si Manny ang supervising producer ng Tiyanaks.

Ayon kay Direk Manny, close friend niya si Mackoy dahil bukod sa magka-edad sila, halos sabay silang nagsimula noon sa Regal Films during the late ‘70s.

Two years ago, na-stroke na raw si Mackoy, who is now leading a private life. Naka-recover si Mackoy and his life went back to normal. Kaya lang, nagkaroon siya ng infection sa pancreas recently at nadamay ang kanyang liver hanggang sa mag-cardiac arrest na rin siya.

Mackoy is now unconscious. He is 49 years old.

Isa si Mackoy sa mga unang batch ng Regal Babies ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde. Kasabayan niya sina Dina Bonnevie, Maricel Soriano, Snooky Serna, and the late Alfie Anido. Part of the cult movie Blue Jeans bilang partner ni Opalyn Forster, Mackoy's most outstanding performance was for the movie Ito Ba Ang Ating Mga Anak? by the late director Ishmael Bernal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN