Janelle Jamer quits "Wowowee"


Jannelle Jamer, one of Willie Revillame's co-hosts in Wowowee, has decided to quit the show. There are talks that she will be replaced by Pinoy Big Brother Season 2 housemate Wendy Valdez.


Kasalukuyang nasa Amerika ngayon ang grupo ni Willie Revillame at ng tatlong co-hosts niya sa Wowowee na sina Roxanne Guino, Janelle Jamer, at Mariel Rodriguez. Umalis sina Willie noong Huwebes ng gabi, May 24, sakay ng Philippine Airlines. Prior to their flight, nag-show pa nang live that day sina Willie at ang tatlong girls. On that episode, hindi napigilang umiyak ng co-hosts ni Willie.

Agad tinext ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tatlong girls, pati na ang business unit head ng show na si Ms. Cynthia "Mama Bear" Jordan, kung ano ang dahilan ng pag-iyak nila. Pero maging si Mommy Bear ay hindi alam ang sagot.

Hindi na rin nakapagbigay ng sagot si Mama Bear sa tsismis na may seven-day suspension ang show mula sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) dahil sa insidenteng nahulog ang tube ng baguhang female star ng Gokada Go na si Eda Nolan habang sumasayaw sa isang production number with Kim Chiu and Gerald Anderson.

Isa sa mga Wowowee girls ang sumagot sa amin at nagpaliwanag kung bakit sila naiyak during the show. Naiyak daw sila dahil dalang-dala pa sila ng taping nila the day before, May 23, kung saan nagpaalam na si Janelle sa show na mapapanood on May 31. May konting "tribute" daw kay Janelle na ibinigay ang show para sa kanya on her last day.

Itutuloy ni Janelle ang sinabi niya sa PEP na pupunta siya sa US para doon magamit to the fullest ang kanyang talent as a singer. May offer daw kasi kay Janelle sa US na mag-show for six months.

Dahil dito, umugong ang tsismis, hindi kaya buntis daw ang TV host-singer kaya nagdesisyon na pumunta na lang ng US for six months? Ganito rin ang sinabi namin kay Janelle nang huli namin siyang nakausap after ng Do Do Du album launch ni Willie under Star Records sa Wowowee. May nagsasabi at nakapansin din sa kakaibang "aura" ng katawan ni Janelle sa TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa pagkawala ni Janelle sa show, papasok daw si Wendy Valdez ng Pinoy Big Brother sa Wowowee. Hindi pa man nagpapaalam si Janelle sa show ay may bali-balita nang papasok si Wendy sa Wowowee.

But from a reliable source, nalaman namin na hindi raw si Wendy ang papalit kay Janelle sa show. Hindi raw type ni Willie si Wendy dahil hindi raw kasi maganda ang "image" nito sa televiewers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN