Anne Curtis gives Sam Milby a pair of rubber shoes as a birthday gift


"Ayokong may nagsasabi sa akin ng ‘Can I court you?' Ayoko ng may manliligaw... Magpapadala ng flowers, mga ganyan, ayoko. Gusto ko ‘yong friends. Kasi when you get to hang out, hindi na kayo maging conscious, di ba?" says Anne Curtis.


Sa birthday party ni Sam Milby last May 23 sa favorite Japanese restaurant niya na Omakase, isa mga naiwang bisita niya doon si Anne Curtis. Si Anne ang napapabalitang girlfriend ngayon ni Sam.



"Hindi ko boyfriend si Sam," paglilinaw ni Anne sa press con ng bagong Sine Serye ng ABS-CBN, ang May Minamahal.



Ayon pa kay Anne, magkaibigan lang daw sila ni Sam. Hindi pa raw siya ready na magkaroon ulit ng panibagong boyfriend.



Noong birthday ni Sam, dala-dala mismo ni Anne ang birthday gift niya para sa singer-actor.



"For his birthday, binigyan ko siya ng sapatos. Kasi ‘yong favorite sneakers niya, medyo parang lumang-luma na. E, siguro wala na siyang time talaga to get shoes or ganyan. GBX ‘yong sneakers niya," kuwento ni Anne.



Isang Paul Smith rubber shoes ang ibinigay ni Anne kay Sam. Ayaw sabihin ni Anne ang eksaktong halaga ng sapatos. Pero tiyak na hindi bababa sa P10,000 ang halaga ng sneakers na regalo ni Anne kay Sam, na binili raw ng young actress sa Shangri-La.



Sa mga naging boyfriends ni Anne na sina Oyo Sotto, Richard Gutierrez, at Paolo Araneta, si Richard daw ang madalas bigyan noon ng young actress ng tsinelas at sapatos. May nagsabi kay Anne na may kasabihan na hindi magandang magbigay ng sapatos dahil nangangahulugan daw ito ng pagtapak ng binigyan sa kung sinuman ang nagbigay.



"Ay, kaya pala ako laging tinatapakan? Yaaakk!" sabay tawa ni Anne.



"Ay, alam mo totoo ‘yon. Kasi si Richard, binigyan ko ng shoes. He used to walk away from me, di ba? E, si Paolo never kong binigyan ng shoes. Kay Paolo kasi baby-baby ako noon, di ba? Nakita n'yo naman kung paano ako bine-baby noon."



Hindi isinama ni Anne ang pangalan ng una niyang ka-loveteam sa Viva Films noon na si Chubi del Rosario as one of her boyfriends. Puppy love lang daw kasi ang tingin ni Anne sa naging relasyon nila ni Chubi bago pa man niya nakilala si Oyo. Prior to Chubi, nagkaroon din ng childhood relationship si Anne sa mga nakatrabaho niya for his first film na Magic Kingdom, directed by Peque Gallaga, na sina Junell Hernando at Janus del Prado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, dahil magsasama ang ex-lovers na sina Anne at Oyo sa May Minamahal, marami ang naniniwala na posibleng magkabalikan silang muli in real life.



"I admit before on-and-off kami ni Oyo. Ngayon kasi, I'm not closing my door to anyone. Buti nga ‘to si Oyo, sinabi niya, ‘Hindi ako nanliligaw.' Parang six months dati ‘yan noong nanligaw sa akin way back.

"Pero noong sinabi niya na hindi na siya nanliligaw, e, di ba, ‘yon ang number one sa akin ngayon? Ayokong may nagsasabi sa akin ng ‘Can I court you?' Ayoko ng may manliligaw kasi nga, like Oyo said, it's best foot forward. Magpapadala ng flowers, mga ganyan, ayoko. Gusto ko ‘yong friends. Kasi when you get to hang out, hindi na kayo maging conscious, di ba?

"When you're just hanging out with friends, makikilala ninyo ang isa't isa. And if you have something to talk about, maganda. Paano kung wala na ‘yong kilig stage, di ba?" paliwanag ni Anne.

Sa ngayon, hinahayaan na lang daw muna ni Anne kung may maganap na balikan sa kanila ni Oyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN