Yasmien Kurdi in favor of breast enhancement


"Kasi minsan kailangan mo naman, kailangan ‘yon para sa self-esteem ng tao, e. Parang confidence ng isang tao, minsan doon ka lang magkakaroon ng confidence, kung gagawin mo ‘yon," says Yasmien Kurdi about breast enhancements.



Kung si Jennylyn Mercado ay nag-deny na nagparetoke ng boobs, ang kaibigan niya at ka-batch sa StarStruck na si Yasmien Kurdi ay sinabing papayag siyang magparetoke kung "kinakailangan talaga."

"Okay lang sa akin," sabi ni Yasmien. "Kasi minsan kailangan mo naman, kailangan ‘yon para sa self-esteem ng tao, e. Parang confidence ng isang tao, minsan doon ka lang magkakaroon ng confidence, kung gagawin mo ‘yon.

"Kung kinakailangan talaga, di ba, why not? Para doon sa pagkatao mo, bilang ikaw, di ba? Minsan kailangan mo rin talaga ng... Hindi naman siya bad na all throughout bad, huwag lang sumobra, siyempre. Kaya in favor ako of surgery."

Samantala, may bagong album si Yasmien under GMA Records (distributed by Paragon Music Corporation at Universal Records), ang Love Is All I Need. Kasama rito ang mga awiting "Kisapmata," "Wishing Well," "One Day," "Take It Or Leave It," "Give Me A Sign," "Even If," "Hayaan Mo Na," "Goodbye," at "Candlelight Romance."

Si Yasmien ang sumulat ng title track na "Love Is All I Need." Nang tanungin kung sino ang inspirasyon niya sa kantang isinulat niya, wala raw, sabi ng young actress-singer.

Noong ginawa niya raw ang naturang kanta, nasa taping siya ng Encantadia. Nasa ilalim siya ng mga puno during a taping break, kaya may pagka-nature tripping ang theme ng naturang awitin.

Bukod sa pagiging isang recording artist, abala rin si Yasmien sa kanyang pagiging dramatic actress via GMA 7's Sine Novela, ang Pati Ba Pintig Ng Puso?, opposite JC de Vera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN