Chynna Ortaleza and Railey Valeroso plan to settle down in three years


The saying that opposites attract holds true for couple Chynna Ortaleza and Railey Valeroso, who plan to settle down together in three years' time.


Mag-aapat na taon na ang relasyon nina Chynna Ortaleza at Railey Valeroso. Ito ay sa kabila ng katotohanang total opposites ang kanilang personalidad.

"Alam mo, madami talaga, hindi lang isa," sabi ni Chynna tungkol sa pagkakaiba nila. "Ako madaldal, siya tahimik. Kasi ‘yong the way we grew up, iba rin. So dati, laging isyu. Kasi feeling ko, hindi magwu-work ito, ganyan-ganyan. Pero nag-usap kami. May isa kaming conversation na naisip naming dalawa na ‘yong pagiging opposite namin can work for the best sa aming dalawa!

"He excels in this thing, I excel in this thing. I can teach him what I know and he can teach me what he knows. We can help each other. Di ba, para buo? Bilang couple, mas marami kaming alam gawin kasi natuturo namin sa isa't isa ‘yong weaknesses and strengths namin.

"So ‘yon, we are working on that. Pero siyempre, may panahon na, ‘Ano ba, ang gulo mo?' or ‘Hindi ka umiintindi!' Pero hanggang ganoon lang," salaysay ni Chynna.

Nagkakilala sina Chynna at Railey sa dating youth-oriented show ng GMA-7 na Click. Ayon kay Chynna, balak nilang magpakasal ni Railey three years from now.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN