Alfred Vargas denies cool-off with LJ Reyes is a gimmick


"Bakit naman namin kailangang gumimik? Hindi totoong gimik lang ang cool-off namin. At saka ngayon, kung gumigimik kami, ano pa ang dahilan? Wala na namang Muli, e. Di sana, puwede na naming sabihin na kami na ulit or nagkabalikan na nga kami," says Alfred Vargas.



Hanggang ngayon pala ay "cool-off" pa rin ang sinasabi nina Alfred Vargas at LJ Reyes na estado ng kanilang relasyon. Nang nakausap kasi ng (PEP) Philippine Entertainment Portal si Alfred sa press con ng Impostora last May 24, nagbitiw ang sexy actor ng katagang "hindi pa rin kami" when he was asked about him and LJ.



Katuwiran ni Alfred, "'Yon kasi ang nakita naming pinakamagandang paraan para mag-work ang relationship namin—‘yong walang commitment sa isa't isa. Palagi na kasing nag-aaway. Ako, madalas walang time for her. Ganoon din siya dahil busy rin siya sa schooling niya. Nandoon din ‘yong mga selosan. Mas okey kami na ganito. Hindi kami, pero nagkikita at nagkakausap pa rin naman."

Diniretso ng PEP si Alfred na maraming hindi convinced sa sinasabi nila ni LJ na cool-off silang dalawa. Isang PEP source, na close kina Alfred at LJ, ang nagsasabing never sila nag-cool-off or nag-break. Kahit daw the first time na kumalat ang balitang break na sila ay wala raw katotohanan ‘yon.



Sinabi lang daw ng dalawa ‘yon para may mapag-usapan. Especially at that time na nagpo-promote pa si Alfred ng Muli, kung saan ang ka-partner niya ay ang Malaysian actress na si Carrie Lee. Idagdag pang "advice" raw sa kanila na palabasing cool-off sila para mas maging interesting pa rin sila at mapag-usapan.

In short, gumigimik lang daw sila ni LJ.



Maagap naman sa pagtanggi si Alfred. Aniya, "Bakit naman namin kailangang gumimik? Hindi totoong gimik lang ang cool-off namin. At saka ngayon, kung gumigimik kami, ano pa ang dahilan? Wala na namang Muli, e. Di sana, puwede na naming sabihin na kami na ulit or nagkabalikan na nga kami."



Diin niya, "That's not true."



Isa si Alfred sa masasabing artista ng GMA-7 na hindi nawawalan ng proyekto. After nga ng Muli, heto't may Impostora na siya. Nandiyan pa ang pagiging mainstay niya sa gag show na Nuts Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa puntong ‘yon, ang nasabi na lang ni Alfred ay "I love GMA!"

Samantala, tuwang-tuwa siguro ang manedyer nitong si Lolit Solis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN