Camille Prats's ex-boyfriend wants a reconciliation


"I'm happy because he's really doing such an effort. Hindi malayong magkabalikan nga kami. Kung meron man akong babalikan na ex-boyfriend ko, siya na ‘yon," says Camille Prats about being courted again by her former businessman boyfriend.



Masayang-masaya si Camille Prats nang nakapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) dahil makikipagbalikan na ito sa kanyang businessman boyfriend na based sa New York.



Kung matatandaan ay nakipag-break si Camille sa kanyang boyfriend noong December 2006 dahil sobra raw ang pagiging seloso nito. Panahon iyon ng Captain Barbell, kung saan isa si Camille sa leading ladies ni Richard Gutierrez.



Kuwento ni Camille, hindi raw nagustuhan ng kanyang boyfriend ang kissing scene nila ni Richard sa Captain Barbell. Nagpaliwanag si Camille sa boyfriend niya na parte lang daw ‘yon ng trabaho niya.



"Mahirap talaga kung hindi taga-showbiz ang karelasyon mo," sabi ni Camille. "Hindi nila maiintindihan talaga ‘yong trabahong ginagawa natin. Ang naging worry ko pa ay ‘yong family niya, kasi nga very conservative sila.



"Kaya ‘yong break-up namin last December, pinag-usapan namin ‘yon. Hanggang hindi pa kami ready na tanggapin ang trabaho ng isa't isa, it will never work."



Pero mga ilang buwan lamang ng pagkakahiwalay nila, gusto na raw makipagbalikan ng boyfriend ni Camille sa kanya. Nandito raw ngayon sa Pilipinas ang binata.



Ayon kay Camille, open siya para sa pagbabalikan nila. Gusto nga raw niya'y mag-usap sila nang maayos para malaman niya kung tanggap na ba nito ang kanyang trabaho bilang artista.



"The very fact na gusto pa niyang ipagpatuloy ang naudlot na relationship namin, siguro naman tanggap na niya ang pagiging artista ko. Alam naman niya na bata pa lang ako, showbiz na ang mundo ko. Hindi madaling palitan or iwan ang kinagisnan kong mundo, di ba?



"But I'm happy because he's really doing such an effort. Hindi malayong magkabalikan nga kami. Kung meron man akong babalikan na ex-boyfriend ko, siya na ‘yon."



Paano kung mag-propose na ito sa kanya? Ready na bang magpakasal si Camille?



"Ayokong ma-pressure sa ganyang usapan!" tili niya. "Ibang level na kasi ‘yan. Hindi ko kaagad masasagot ‘yan kasi hindi pa ako handa. I'm open to it, pero hindi ako nagmamadali. Darating din ang tamang time for me to talk about getting married."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN