Jay-R Siaboc regrets his misbehavior


"Almost three weeks din akong nag-stay ulit sa amin sa Toledo, Cebu. Doon ko na-realize ang pagkakamali ko, umiyak ako sa pagsisisi... Nandoon ang takot sa isipan ko na baka mawala ang lahat ng sinimulan ko. Paano na ang dream ko na mabigyan ng bahay ang pamilya ko at konting kaluwagan sa buhay?" says Jay-R Siaboc about his sanction.



Pinagsisihan ng Pinoy Dream Academy (PDA) 1st runner-up na si Jay-R Siaboc at isang malaking leksiyon ang natutunan niya sa mga pangyayaring naganap sa kanila ng kapwa niya PDA Top 6 scholars sa concert nila sa United States last April. Naging malaking issue ito at nagbigay ng sanction ang Dream Big Productions sa kanya at sa co-PDA scholars niyang sina Panky Trinidad, Irish Fullerton, at Chad Peralta.

Muling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jay-R pagkatapos niyang makabalik sa ASAP ‘07 last Sunday. Ano ang natutunan niya sa nangyari sa kanila?

"Almost three weeks din akong nag-stay ulit sa amin sa Toledo, Cebu. Doon ko na-realize ang pagkakamali ko, umiyak ako sa pagsisisi. Nagulat ang family ko nang bigla akong umuwi. Mabuti na lang naintindihan din nila ako at sabi nila, susuportahan pa rin nila ako dahil naniniwala sila sa talent ko.

"Ang masakit, parang hindi ko na kaya na tumambay na lang at ang nasa paligid ko alak at iba pang bisyo. Nandoon ang takot sa isipan ko na baka mawala ang lahat ng sinimulan ko. Paano na ang dream ko na mabigyan ng bahay ang pamilya ko at konting kaluwagan sa buhay? Kaya labis-labis ang pasasalamat ko sa ABS-CBN at sa Dream Big Productions nang ipatawag nila ako at binigyan ng isa pang chance, at pinabalik na ako sa ASAP.

"Hiyang-hiya po ako nang mag-report ako ulit sa ASAP last Sunday, pero naging mabait naman sila sa akin. May mga nag-welcome back sa akin at ang iba naman ay sinabing huwag ko nang isipin 'yon, talagang kasama raw 'yon sa trabaho namin. Ang mahalaga raw, maaga kong naituwid ang mali ko," mahabang salaysay ni Jay-R.

Nilinaw rin ni Jay-R ang balita na sila na raw ni Irish ngayon.

"Totoong nagsimula akong manligaw, pero pinutol ko agad," sabi niya. "Alam ko na kasing gusto niya si Mark [Bautista]. Nagti-text sila, kaya hindi ko na itinuloy. Nakakahiya kay Mark, magkasama kami sa ASAP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ako nagselos dahil wala naman akong karapatang magselos. After naming dumating from the States, matagal-tagal din kaming hindi nagkita ni Irish. Accidentally, nakita ko siya sa Pinoy Big Brother house dahil may meeting kami doon para sa Dream Big Productions. Natutuwa rin ako na tuloy pa rin ang mga out-of-town shows ng PDA Top 6."

Sa July hanggang August ay magku-concert ulit ang PDA scholars sa US. This time, sina Yeng Constantino at Ronnie Liang na lang ang kasama with RJ Jimenez and Yvan Lambatan. Ayon kay Jay-R, okay lang na hindi siya makakasama dahil tuloy na siya sa teleserye na Pangarap Na Bituin.

Ibinalita rin ng singer na sa June 2 ay magsisimula na silang mag-taping. Makakasama niya sa Pangarap na Bituin sina Jericho Rosales, Sarah Geronimo, Maja Salvador, Cherry Pie Picache, at Nikki Bacolod.

"Tuwang-tuwa nga ako nang malaman kong tuloy pa rin ako sa teleserye. Pinagbasehan daw nila ang acting ko sa Your Song, na first time kong nakatambal si Maja," nakangiting pahayag ni Jay-R.

Ano ang masasabi niya sa obserbasyon ng marami na magkamukha raw sila ni Jericho?

"Hindi naman, mas guwapo siya sa akin," nahihiyang sabi niya. "Una kaming nagkakilala ni Jericho sa isang fashion show ng Penshoppe dahil pareho kaming endorser. Nahihiya nga ako sa kanya noong story conference [ng Pangarap Na Bituin] na siya pa ang unang bumati sa akin, hindi ko kasi siya nakita agad. Pero ang bait-bait niya at tiyak na matsa-challenge ako sa husay niya sa acting kapag magkaeksena na kami. Challenge sa akin talaga ang teleserye dahil ako lang ang baguhan sa mga kasama ko."

Bago natapos ang pagkukuwento ni Jay-R, nabanggit niya na nagdaramdam din siya sa mga fans na masyadong masakit magsalita. Nagpapasalamat naman siya sa mga fans na nakakaintindi sa kanya at kapag nakikita siya ay nagsasabing tuloy pa rin ang suporta nila sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN