Rica Peralejo on Piolo Pascual: "He's too wonderful for me."


"I don't call it pambabasted dahil friends naman kami. It was more of a friendly kuwentuhan kaya di malungkot at pinag-usapan nga namin that he'll stop courting me. I believe it was the best decision for us," says Rica Peralejo about turning down Piolo Pascual.


Solo press con ng Regal Entertainment kay Rica Peralejo para sa Tiyanaks sa Imperial Palace Suites last Friday, May 25, nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Sixth horror movie na ni Rica ang Tiyanaks mula nang gawin niya ang Takot Ka Ba Sa Dilim? ng Viva Films noong 2003. Since then, every year, gumagawa na siya ng horror movie. Finally, natanggap na niyang siya ang Horror Movie Queen.



Bukod sa kanyang title, kilala rin si Rica as the actress na nang-basted kay Piolo Pascual. There was even a time na laban-bawi ang attitude ni Rica dahil sa ibang press ay inaamin niya na nanliligaw ang matinee idol sa kanya, pero sa iba ay paliguy-ligoy ang sagot niya.



Diretso ang tanong ng PEP, nanligaw ba sa kanya si Piolo?



"Nanligaw oo, pero I don't count it as a courtship," sagot niya. "From the start, I have to make it clear to him na ayaw kong magka-boyfriend. I'm no longer in the stage or age for bf-gf [boyfriend-girlfriend] thing. Sa akin, I really want to be serious. After courtship, engagement na dapat."



Hindi na nag-elaborate si Rica kung hindi ba niya nakita kay Piolo ang seriousness na hinahanap niya sa isang relasyon, kaya hindi na niya pinatagal ang panliligaw nito sa kanya.



"I keep praying to God na kung bibigyan niya ako ng someone to love, make sure that he's the best. Wala pa Siyang ibinibigay. Sa church, marami akong nakikitang admirable guys, I look up to them and I feel that if I end up with any of them, I'm gonna have a good and fulfilled life. Kaya lang, hindi naman sila nanliligaw," kuwento ni Rica.



What's wrong with Piolo?



"He's too wonderful for me and it's a disadvantage for me," sabi niya. "May iba pang factors at alam kong marami ang nagsasabing mali ako by letting him go. Keber ko kung ano ang iisipin ng iba. Nag-usap kami at malinaw ‘yon. It was a mutual decision at hindi lang sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I don't call it pambabasted dahil friends naman kami. It was more of a friendly kuwentuhan kaya di malungkot at pinag-usapan nga namin that he'll stop courting me. I believe it was the best decision for us."



Nananatili silang magkaibigan ni Piolo at nagkakasama pa nga sa shows abroad. Walang nabago sa samahan nila. Sabi pa ni Rica, she'll be happy kung makakahanap na ang aktor ng babaeng para sa kanya. Siya naman ay nag-i-enjoy sa kanyang single-blessedness.



"Nag-pray ako at sabi ko, tanggap ko kundi na ako magkaka-asawa. Bigyan na lang Niya ako ng happy and fulfilled life. Kaya lang, nanaig pa rin sa akin na gusto kong magka-anak. Bata pa naman ako. But for now, after three years without a boyfriend, masaya ako. I'm single but not lonely," huling pahayag ni Rica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN