Sunshine Dizon and Iza Calzado willing to do a lesbian kissing scene


One of Iza Calzado's (right) dream roles is to play a lesbian in a movie. Given a chance, she wants Impostora co-star Sunshine Dizon to be her screen partner.



Magkasunod na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Iza Calzado at Sunshine Dizon sa press con ng Impostora, na ginawa sa Plaza Ibarra last Thursday, May 24.



Nabanggit ni Iza na one of her dream roles ay lesbian role gaya ni Hilary Swank sa Boys Don't Cry at Angelina Jolie sa Girl, Interrupted. Kapag binigyan na ng lesbian role, payag si Iza na makipag-kissing scene sa kapwa-babae.



Ang next question kay Iza ay kung sino sa mga aktres ang gusto niyang maka-kissing scene o kahit light love scene at bakit.



"Si Sunshine [Dizon] dahil kaibigan ko siya," sagot niya. "She's the person I'm most comfortable with. Walang masama if ever gawin namin ‘yon. Kailangan lang maganda ang project para di masayang at wala ring body parts akong ipapakita."

Sinabi rin ni Iza na in-offer din pala sa kanya ang indie film na Rome & Juliet na pinagbidahan nina Mylene Dizon at Andrea del Rosario, pero tinanggihan niya. Hindi nga lang niya nasabi kung bakit at kaninong role ang gagampanan niya.



Ipinarating ng PEP kay Sunshine ang sinabi ni Iza at game rin itong magkaroon sila ng kissing scene sakaling kailangan.



"Oo naman, payag din ako!" bulalas niya. "Si Calzado pa! Why not? No malice ‘yon at gagawin namin dahil trabaho. Saka si Iza, hindi ko lang kaibigan, kapatid din ang turing ko sa kanya."



‘Ayan, nagpahayag na ng pagiging handa ang dalawang ipinagmamalaking aktres ng GMA-7 for more mature roles. Kailan nga kaya mapapanood ng viewers sina Sunshine at Iza in a lip-locked scene? Kung hindi ito magagawa ng GMA-7, baka puwedeng sa pelikula ng GMA Films mangyari.

Marami nang pinagsamahang projects sina Iza at Sunshine bago itong Impostora. Una silang nagkasama sa political drama series ng GMA-7 na Kung Mawawala Ka, ang unang proyekto ni Iza sa Kapuso Network. Sinundan ito ng pelikulang Sabel, kung saan gumanap namang lesbian lover ni Judy Ann Santos si Sunshine. Pagkatapos ay nagsama silang muli sa telefantasya na Encantadia/Etheria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN