Boy Abunda defends Nora Aunor


"Una, ang point ko ay si Ate Guy is a mature woman, she's of age. She knows what she's doing. So, decision niya ang magpakasal kahit kanino. Naniniwala siya na hindi krimen ang magpakasal, ang magmahal ng kahit sino," says Boy Abunda about the rumor that Nora Aunor has married her lesbian manager, Norie Sayo.



It's public knowledge that Boy Abunda is an ardent fan of Superstar Nora Aunor. Kaya naman grabe ang pagtatanggol niya sa kanyang idolo pagkatapos ipalabas sa The Buzz kahapon, May 27, ang balita tungkol sa pagpapakasal diumano ni Nora sa lesbian manager nitong si Norie Sayo.



After the show, sinundan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host sa kanyang dressing room para hingan ng karagdagang pahayag sa naging maigsi nitong pahayag sa programa. Aniya, wala siyang kabalak-balak na patulan ang patutsada ng ilang fans, kaya lang ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili.

"Siyempre, hindi naman nawawala ang aking pagiging tagahanga ni Ate Guy. But more than just being a fan, kung pinag-iisipan mo, parang ang trato dito sa balitang ito, isang krimen ang umibig, isang krimen ang magpakasal," paliwanag niya.



Ipinaunawa ni Boy na iba-iba ang paniniwala ng tao. Pero kung naniniwala man si Boy sa kasalang Nora-Norie, nilinaw niya na hindi raw niya ini-encourage ang sinuman sa same-sex marriage.

"Una, ang point ko ay si Ate Guy is a mature woman, she's of age," sabi niya. "She knows what she's doing. So, decision niya ang magpakasal kahit kanino. Naniniwala siya na hindi krimen ang magpakasal, ang magmahal ng kahit sino.



"Pangalawa, sa dami ng pinagdaanang unos at bagyo ni Ate Guy, for many years now, isa sa mga tunay na kaibigan na tumayo sa tabi ni Ate Guy ay si Norie."



Dagdag pa ni Boy, kung totoo man daw na nagpakasal sina Nora at Norie ay wala siyang karapatan humatol at magsabi ng kung ano ang tama at ano ang mali para sa aktres. Bagkus ay gusto nitong bigyan ng tribute ang manager ng aktres dahil sa pagiging loyal nito at pagkakaroon ng devotion na pangalagaan ang aktres.



"Ayoko silang siraan o sirain ng mga haka-haka at mga opinyon na dahil lamang sa may nagpakasal, e, hindi na maganda. Norie Sayo was, is has been very good to Ate Guy," diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kung totoo man 'yon na year 2000 [sila nagpakasal]," patuloy niya, "e, seven years ago na 'yon. E, four years pa lang si Ate Guy sa Amerika.



"Malay mo, palabiro rin si Ate Guy na totoo. Alam mo naman sa Las Vegas, 'yong kasal ngayon, kinabukasan ay puwede kang mag-divorce. Was it a joke, was it a real? O baka naman natripan lang nila? I don't know, but for whatever it was, kung saan maligaya si Ate Guy, nandoon ako."



Sa aspetong ito, ayaw pag-usapan ng TV host ang moralidad dahil sa isang katulad niyang nasa ikatlong lahi ay may karapatan din siyang magpakasal sa kanyang minamahal.

"If I wanna marry my partner, I will marry my partner under any circumstance. Karapatan 'yan ng bawat isa. I will not go on air to encourage people, but I will go on air to say may karapatan ang ibang tao. Irespeto natin," sabi ni Boy.



Sa kabila ng isyung ito kay Nora ay hindi pa rin nagbabago ang paghanga ni Boy sa hinahangaang aktres.

"Hindi nagbabago ang paniniwala ko na si Nora Aunor ang pinakadakila sa henerasyong ito. Ako ay isang disciple, I'm a believer of the Superstar. Nabigla lang talaga ako kanina, nasaktan ako na parang ang pagka-handle ng balita ay nakakadiri. Parang hindi naman yata tama, di ba? Nasaktan ako para kay Ate Guy dahil for as long sa iyong isipan at puso ay hindi mo nilalapastangan ang Diyos, go ahead. Kanya-kanya tayo, e," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN