Rochelle prefers Jopay and Aira to be the next leaders of SexBomb





Pinabulaanan ng lider ng SexBomb Dancers na si Rochelle Pangilinan ang mga usap-usapan na mas pipiliin niya diumanong pumalit sa kanya si SexBomb Sunshine Garcia bilang lider ng grupo kung sakaling matuloy na ang pagso-solo niya.

Sa katunayan, humahanga lamang daw si Rochelle sa galing sa pag-arte ni Sunshine. Paliwanag ni Rochelle sa Startalk noong May 26, "Ang tanong sa akin noon, ‘Kanino mo ipapasa ang role mo sa Daisy Siyete?' Ang sagot ko naman, ‘Kay Sunshine.'

"Hanga talaga ako kay [Sunshine]. Kahit na hanggang ngayon hanga ako sa kanya kasi ang galing-galing niya lagi. Simula nang maging abnormal siya sa [Daisy Siyete] humanga na ako sa kanya."

Kung pagiging lider diumano ang pag-uusapan, mas pipiliin ni Rochelle na humalinhin sa kanya sina Jopay Paguia at Aira Bermudez. Aniya, "Ako naman, as leader naman, kung iyon naman po ang isyu, Jopay ako and Aira kasi mas maganda ang marami para tulung-tulong."

Samantala, ikinagulat mismo ni Sunshine ang balita na siya na ang papalit kay Rochelle. Agad niyang nilinaw na maaring nasabi lamang daw ito dahil nais niyang sundan ang yapak ng kanilang lider sa larangan ng pag-arte.

Nahihiya din diumano si Sunshine sa mga mas nakatatanda at mas nauna sa kanya sa grupo. Paliwanag ni Sunshine, "Hindi naman po as in leader kasi, sa pagkakaalala ko, kung sino yung gustong sumunod sa mga yapak niya [Rochelle]. Siguro sa pag-arte pero hindi naman totally na ili-lead ko ang buong SexBomb kasi may mas nauna sa akin na SexBomb at may mas magaling sa aking SexBomb na sumayaw."

At tulad ni Rochelle, boto rin si Sunshine na maging kapalit bilang lider si Jopay. Para sa kanya, "Kung ako lang, si Ate Jopay, siya ang gusto kong sumunod kay Rochelle. Kasi si Jopay parang bago pa ako pumasok sa SexBomb, tandem na yung dalawa -- Jopay at saka Rochelle -- nandiyan na yung dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN