John "Sweet" Lapus squeals on Erik Santos and Polo Ravales


"Maraming hawak si Sweet na Lihim ng Golden Buddha! Kaya maloloka ang mga artista kapag ako ang nag-interview sa kanila kasi bigla na lang akong magsasalita na hindi nila namamalayan," says John "Sweet" Lapus.


Umiral ang pagiging intrigera ni John "Sweet" Lapus nang ibuking niya sina Erik Santos at Polo Ravales sa Showbiz Central kahapon, May 27.



Guest kahapon sa Sunday showbiz talk show ng GMA-7 si Rufa Mae Quinto. Tinanong ni Sweet ang sexy comedienne kung alam ba niya na noong kasalukuyang nagsu-shoot siya ng episiode para sa Pinoy Meets World sa Brunei ay nakipag-date diumano ang boyfriend niyang si Erik sa Pinoy Big Brother ex-housemate na si Say Alonzo.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Sweet, sinabi nitong hindi niya sinasadyang sabihin ‘yon kay Rufa Mae. Para nga raw nagulat pa si Rufa Mae nang mabanggit niya ang name ni Say.



"Malay ko ba na di pa niya alam?" diin ni Sweet. "Akala ko naman ay open ang communication nila kaya I thought talaga na alam niya. Kaya pala parang gulat ang drama ni Peachy [palayaw ni Rufa Mae]. Kaloka at birthday pa naman niya ngayon [May 28]. Huwag sana silang mag-away dahil sa sinasabi ko."



Isa pang ibinuking niya kahapon ay ang pagde-date nina Polo at Ethel Booba. Nag-guest nang live si Ethel para ipakita ang nangyari sa kanyang ilong at baba pagkatapos nitong maaksidente sa kanyang bahay.



Inamin naman ni Ethel na lumalabas sila ni Polo dahil iisa lang sila ng manager.



"In fairness, alam kong nagde-date sina Ethel at Polo. Kesa naman ma-pick-up ng ibang show, live ko na ring binanggit sa Showbiz Central," pilyang ngiti ni Sweet.



"Okay lang naman siguro ‘yon kasi nangyari naman ‘yon, wala na talaga sila ni Ara [Mina] at ‘di pa naaaksidente si Ethel. Tsaka nanggaling na rin kay Ethel na wala na sila ni Alex Crisano kaya libre siyang makipag-date sa kahit sinong lalake. Itong Lola Ethel ko talaga, ganda-gandahan pa rin kahit maga ang fez!"



May isa pa raw male TV host na gustong ibuking ni Sweet, pero saka na lang daw at baka maubusan siya ng bala para sa show. Kapag dumating ang time na kailangan nang ilabas, hindi raw magdadalawang-isip si Sweet na ibuking din ang male TV host at ang naging sikretong relasyon nila ng isang kasamahan nito sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Maraming hawak si Sweet na Lihim ng Golden Buddha!" tawa ni Sweet. "Kaya maloloka ang mga artista kapag ako ang nag-interview sa kanila kasi bigla na lang akong magsasalita na hindi nila namamalayan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN