Judy Ann Santos is open to live-in relationship


"Nagpapakatotoo lang naman ako. Wala akong nakikitang masama sa ginagawa ko. Pero hindi ko rin nga alam kung ano ang repercussions ng pagiging totoo ko sa kanila dahil baka mabawasan nga ang pagtangkilik ng iba sa mga ginagawa ko," says Judy Ann Santos.


Napapag-usapan ang posibilidad na mabuntis ang young actress na si Judy Ann Santos sa malapit na hinaharap kahit hindi pa sila kasal ng boyfriend niyang si Ryan Agoncillo. Sa The Buzz ng ABS-CBN kahapon, May 27, kumakalat ang balitang buntis na nga ang aktres, na idinenay naman nito.



In fact, just days after their Tubbataha, Palawan vacation, dinatnan si Juday ng kanyang monthly visitor. Ibig sabihin, hindi siya buntis.



Nagtungo ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ni Juday for M. Lhuiller na ginanap sa studio ng photographer na si Ronnie Salvacion, at doon namin napag-alaman na open pala si Juday sa idea ng live-in.



Therefore, kung mabuntis man si Juday, hindi ibig sabihin nito na agad ay magpapakasal sila ni Ryan. Nasabi ni Juday na praktikal lamang siya, lalo kung naiisip nga ng isang couple na magpapakasal din sila sa hinaharap, bakit hindi magkaroon ng live-in arrangement muna.



Hindi naman sinasabi ni Juday na sundin ng iba ang sinasabi niya at mag-live-in na lang. Ang sa kanya ay 'yong opinyon niya tungkol sa bagay na ito. Nasa hustong gulang na rin naman siya para magsalita ng tungkol dito, pero aware siya na hindi magugustuhan ng ina niyang si Carol Santos ang ganitong ideya.



Sa pagsasalitang ito ni Juday, she's defying a few odds. In love kasi si Juday, at may puntong sa sama ng loob niya sa ibang fans na sobra na ang panghihimasok sa private life niya, diretsahang nakapagsalita na rin siya ng mga bagay na posibleng hindi na nagugustuhan ng ilan sa mga ito.



Nilinaw ni Juday na hindi naman lahat ng fans niya ay nagbibitiw ng kung anu-anong masasakit na salita tungkol kay Ryan at sa pamilya niya. Hindi kasi maiaalis sa fans na maging kontrabida ang tingin kay Ryan dahil, let's face it, na-etsapuwera ang ka-loveteam ni Juday na si Piolo Pascual sa buhay ng young actress dahil sa pag-eksena ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Juday, she has done so much for the fans, pero hindi niya inaasahan na mayroong ilan—at hindi niya nilalahat—na grabe ang panghihimasok na ginagawa niya.



"Nagpapakatotoo lang naman ako," ani Juday. "Wala akong nakikitang masama sa ginagawa ko. Pero hindi ko rin nga alam kung ano ang repercussions ng pagiging totoo ko sa kanila dahil baka mabawasan nga ang pagtangkilik ng iba sa mga ginagawa ko."

Hindi pa rin tapos ang alitan sa pagitan nina Ryan at Piolo na nagsimula sa pagpapalitan nila ng salita. Pero hindi raw nakikialam si Juday sa sigalot ng dalawang binata.



Ayon sa kanya, "Masaya naman ako kaya hindi ko na iniisip kung kailangang magkasundo pa sina Ryan at Piolo. It's something very personal between the two of them.

"Ayoko lang na parang papagbatiin sila dahil may magagamit na situwasyon, at my expense. 'Yon ang dahilan kung bakit tumanggi akong magkaroon ng parte si Piolo sa showbiz anniversary TV special ko, dahil special event 'yon para sa akin. I don't want to ruin it," sabi ni Juday, na we're very sure, hindi magugustuhan ng ilang fans nila ni Piolo.

So far, abala si Juday sa telenovelang pinagsasamahan nila ni Ryan para sa ABS-CBN, ang Ysabella. Nakatakda uli silang magtambal ni Ryan para sa Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema this coming December, ang Sakal, Sakali, Saklolo, na sequel sa blockbuster hit na Kasal, Kasali, Kasalo. Balita namin, ang ilang eksena ng Sakal, Sakali, Saklolo ay kukunan pa sa ilang bansa sa Europe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN