FIRST READ ON PEP: John Prats confirms break-up with Miakka Lim


"Napakahirap i-balance ng family, family business, showbiz work, and, of course, girlfriend. Sa family kasi, umuwi ka or hindi, magpaalam ka or hindi mo matawagan, nandiyan lang sila, iintindihin pa rin nila at susuportahan ka. Pero siyempre, ang girlfriend, iba naman...."


Isang exclusive interview ang naganap sa pagitan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at young actor na si John Prats. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita si John tungkol sa break-up nila ng girlfriend niyang na si Miakka Lim after eight months.



Hangga't maaari raw talaga, ayaw na sanang magbigay pa ng pahayag si John tungkol sa recent break-up niya with his non-showbiz girlfriend. Pero marami nga raw ang nagti-text at tumatawag sa kanya para hingan siya ng reaction.

"Friends pa rin naman kami hanggang ngayon and okay naman ‘yong naging pag-uusap naming dalawa. We had our reasons kung bakit kinakailangan naming mag-break. But then, the reason, my reason why I don't want to comment is because I respect the person and her privacy. Unang-una, alam naman nating lahat na hindi naman artista ‘yung tao," simulang pahayag ni John tungkol sa pananahimik niya noong una.



Eight months din daw tumagal ang relationship nila ni Miakka na nagsimula noong September 8, 2006. Three weeks ago pa lang daw nang pareho nilang mapagdesisyunan na mag-break na.



LACK OF TIME. Ayon kay John, ang kakulangan ng panahon para sa girlfriend ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.



"Nagsimula kasi talaga ‘yan noong bago mag-election. Siyempre, campaign period at sobrang busy talaga noong mga panahon na ‘yon. Let's face it, ilang months lang naman ang campaign. So, ang nangyari, naging sobrang busy ko that time," sabi ni John, na isa sa mga nag-endorse sa kandidatura ni Migz Zubiri for senator.



"So, during campaign period," patuloy niya, "may mga konting argument na. Although sinasabi naman niya na ‘I understand.' Pero siyempre, iba ‘yong nakikita mong napi-feel niya and I can't blame her for that. Talagang nahirapan ako na magkaroon ng time for her. Ako kasi ‘yong taong I don't want to prioritize everything, I just want to balance everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"At ang masasabi ko lang, napakahirap i-balance ng family, family business, showbiz work, and, of course, girlfriend. Sa family kasi, umuwi ka or hindi, magpaalam ka or hindi mo matawagan, nandiyan lang sila, iintindihin pa rin nila at susuportahan ka. Pero siyempre, ang girlfriend, iba naman. Kapag nag-commit ka sa isang tao, you really have to call her, see her and you have to be with her. Siyempre, kapag hindi mo na nagagawa ‘yon, nakakaawa rin ‘yong tao."



Mas lalo pa raw ngayong may nakatakda siyang tatlong pelikula sa Regal Entertainment. Isa na rito ang Now & Forever na alam ni John na pinakauna niyang gagawin. Nakatakda rin niyang gawin ang isang dance movie with Mark Herras at isang Metro Manila Film Festival entry.

Bukod sa tatlong pelikula, kasama rin si John sa US concert tour ni Sarah Geronimo na Sarah Geroninmo in Motion. Twelve states raw ang posible nilang puntahan from August to September. Nandiyan pa rin daw ang solo dance album na ginawa niya under Galaxy Records at posibleng mailabas na this July.



Sabi ni John, "Siyempre ako, I feel it's unfair to her. Kahit sabihin kong ganoon talaga. Ang nangyayari kasi, kapag may free time, doon ko lang talaga siya napupuntahan. Pero sa eight months ng relationship naming dalawa, wala akong masasasabi sa kanya. She's mabait talaga."



SHAINA MAGDAYAO. Aware din si John na sa break-up nila ni Miakka— lalo't hindi pa siya nagsasalita noong una—nadadawit ang pangalan ni Shaina Magdayao na sinasabing cause ng break-up nila.



Pero mariing itinanggi ni John ang bagay na ito sa PEP.



"With Shaina, sobrang nakakagulat talaga ‘yong lumabas na isyu sa aming dalawa. Honestly, even before pa naman, close na talaga ko kay Shaina. ‘Yong nangyari sa aming dalawa, parang nag-bonding lang kami ulit as friends. Pero ‘yon ang masasabi kong purely friendship lang talaga," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kuwento pa niya, "Nang magkita nga kami ni Shaina kailan lang, siya pa ‘yong nagsabi na, ‘Kumusta naman ang isyu sa atin?' So, alam nyo ‘yon, talagang wala. Of course, si Shaina, she's really pretty at ayokong magsalita ng tapos, na wala talaga dahil hindi naman natin alam kung ano ang puwedeng mangyari sa future. But right now, we're friends, sobrang friends lang talaga.



"Nagugulat din ako sa mga nasusulat na parang nanggugulo ako sa Shaina-Rayver [Cruz] loveteam. Parang, wow, saan ba nanggagaling ‘yong mga ‘yon? At saka especially now that I just came from a relationship, talagang wala muna, ayoko muna. Kahit date-date, wala kayong mababalitaan na nakaka-date ko ngayon. Mahirap for me na mag-focus sa relationship sa ngayon. Ako pa naman ang taong kapag in love, in love akong talaga. At least for now, focus ako sa work at mas less ang iniisip ko sa ibang bagay," mahabang pahayag ni John.



PLAYBOY IMAGE. Nagkakaroon na si John ng bansag na playboy dahil sa dami ng girls na na-link sa kanya at sinasabing niligawan niya raw. Ano ang masasabi niya rito?



"Ako, ito ang tanong ko diyan: Masama ba when you're single and you date? When you're single, it's okay to date kahit ilan pang babae. But when you commit yourself, stay put," rason niya.



"Eight months din kami ni Miakka, pero may nabalitaan ba kayong ibang babaeng na-link sa akin or nasabing niligawan ko pa? When I'm in love, I'm in love and I give my all like there's no tomorrow. If ever man na may break-up ako sa girlfriend ko, masisigurado kong it's not because of another girl.

"Kung totoo ‘yong sinasabi ng iba na playboy ako, e, di sana after naming mag-break, may girlfriend na ulit ako ngayon. Kaso, nakikita nyo naman, wala talaga," pagdidiin pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



RECONCILIATION? Sa huli, tinanong ng PEP si John kung may chance pa na magkabalikan sila ng dating girlfriend.



"Ako kasi... Well, bahala na. Ganoon ako ngayon. Hindi ko pa naiisip ang bagay na ‘yan. But I don't wanna say tapos na. Unang-una, you'll never know. Hindi natin alam kung ano ang posibleng mangyari in the future.



"Pero kung anuman ang mangyari, I'm the type of artista na very open naman sa lahat kapag may nagiging girlfriend ako, may nagugustuhan ako or nililigawan. Kaya minsan, hindi ko maiwasang mainis kapag may nagsasabi na nagde-deny ako dahil hindi ako ganoon," panghuling pahayag ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN