Sam Milby works hard to polish his Tagalog


"I still am the Sam that you used to see me before. I just feel blessed and lucky," says Sam Milby about his success and popularity.



Binigyan ng Star Magic ang young actor-singer Sam Milby ng isang birthday press con kasama ang entertainment press.

Humataw ng pagkukuwento ang ngayo'y 23 anyos na matinee idol na lalong naging guwapo at nadagdagan ang karakter at appeal dahil sa kanyang "bigotilyo-look."

"Well, some people like it, some naman ay hindi," sabi ni Sam sa kanyang hitsura na kailangan niyang gawin dahil sa pagbabagong-bihis ng role niya sa mga huling sultada ng nagtapos nang Maging Sino Ka Man sa ABS-CBN.

"I just don't know kung sa Book 2 ay mag-iiba na naman ako ng look," dagdag pa ng aktor na nagsisikap talagang sagutin ang mga tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Tagalog.

Naikuwento ni Sam na simpleng araw lang ang nangyari noong birthday niya last May 23. Sinamahan siya ng kanyang sister sa Palawan at doon ay in-enjoy nila ang karagatan at nag-scuba diving.

"I am really into that kind of stuff. Iba kasi ang world under the sea," kuwento ni Sam na nakatakdang bisitahin soon ang isang espesyalista sa tenga. After the scuba diving ay nakaramdam siya ang kakaibang pananakit ng tenga at medyo hirap sa pandinig.

The whole month of June ay magpu-full-time learner daw siya ng Tagalog dahil lumampas na siya sa naipangako niyang six months to learn the language since his Pinoy Big Brother days.

"I need it na talaga at dapat ko nang bigyan ng maraming panahon," dagdag pa ni Sam, na naghahangad mapalapit lalo sa madla.

But in fairness, matatas nang mag-Tagalog si Sam. Talaga lang daw hindi siya ‘yong tipong madaling ma-satisfy sa kanyang mga ginagawa. Proof nga rito ang hindi niya panonood ng kanyang teleserye for the simple reason na ayaw niyang ikumpara ang nagawa niya sa taping o sa shoot sa kung anumang mapapanood niya.

"I don't know really," sabi niya. "I do have that kind of attitude kaya nga kapag may take talaga na sa palagay ko ay hindi pa puwede ay nire-request ko ang direktor ko na ulitin kahit sabihin pa nila na okay na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At 23, shy pa rin daw si Sam. Never nitong ipinagyabang ang anumang meron siya kahit pa may mga taong nagsasabi sa kanya na siya'y made na made na at sikat na sikat.

"I still am the Sam that you used to see me before. Ayoko talaga isipin mga ganun. I just feel blessed and lucky," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN