Joross Gamboa says he's not a wanna-be "Wowowee" guest


Joross Gamboa denies the rumor that he reportedly texted ex-girlfriend Roxanne Guinoo and requested to guest him in Wowowee.


May nagbalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na current topic daw ngayon sa Pinoy Exchange forum ng mga fans ng dating magka-loveteam na sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo ang diumano'y naging palitan ng biruan nina Willie Revillame at Roxanne sa isang episode ng Wowowee, ang noontime show ng ABS-CBN.



Ayon sa usap-usapan, nagpahayag daw si Roxanne na nakatanggap siya ng text message mula kay Joross. Nagre-request daw ang dating boyfriend sa kanya kung puwedeng mag-guest sa Wowowee.



Marami sa mga fans ng dalawa, particularly mga fans ni Joross, ang hindi naniniwala at nagsasabing tila isa na naman daw sa "imbento" ni Roxanne ang tinuran nito against Joross. Sabi nga nila, "Roxanne strikes again on national TV!"



Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na makausap si Joross. Tinanong namin ang young actor kung totoo nga ba na nagte-text siya sa ex-girlfriend at diumano'y nagre-request pa raw rito na i-guest naman siya sa Wowowee.



"Totoo raw ba na may sinabing ganoon si Roxanne?" balik-tanong niya. "May mga nagsasabi na nga sa akin niyan. May nagtatanong, kaso hindi ko pinapansin dahil parang hindi ko pa ma-get kung ano ‘yong kuwento. Ang masasabi ko lang, hindi po totoo.



"Hindi ko naman napanood kung may ganoon ngang sinabi si Roxanne or biro man. If ever man po na totoo ngang nangyari ‘yon sa isang episode ng Wowowee, hindi po totoo dahil matagal ko nang hindi nakaka-text si Roxanne. Matagal na po. Hindi ko na alam kung may bago siyang number or ‘yong old number pa ba niya," malumanay na pahayag ni Joross.



Ang ibig niya bang sabihin na matagal na niyang hindi tini-text si Roxanne ay after their break-up pa?



"Puwede, oo," pag-amin niya.



Naitanong din ng PEP kay Joross kung capable ba siya na mag-text, specifically sa ex-girlfriend pa niya, at mag-request na maging guest siya sa show nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Aniya, "Actually, nagugulat din ako kung bakit nagkaroon ng ganyang isyu, kung totoo nga bang sinabi ‘yon ni Roxanne. Kung sinabi niya, medyo nakakagulat din dahil alam niyang hindi totoo ‘yon.



"Hindi ko po ugali ‘yong magte-text ako para mag-request na mag-guest ako. Parang hindi proper for an artista. Kung meron man yatang dapat gumawa noon, it's supposed to be our manager.



"With regards to ABS-CBN naman, never naman silang nagkulang sa akin in terms of guesting. Like sa Homeboy, nagpapasalamat ako dahil palagi nila akong gine-guest sa show ni Kuya Boy [Abunda], ganundin sa ibang ABS-CBN shows," paliwanag ni Joross.



Sa Wowowee naman daw ay nakapag-guest na rin ang young actor, tulad nang mag-promote sila ng Rounin. Nagkataon nga lang daw na noong mag-guest sila rito ay si Roxanne naman ang absent sa show.



Gusto na lang daw isipin ni Joross na baka nagbibiro lang si Roxanne kung totoo nga na siya ang naging topic minsan sa Wowowee. Huwag na lang daw bigyan ng ibang meaning ng mga nakapanood, kung totoo nga itong naganap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN