Is Anne Curtis not Sam Milby's type?


"She is a very fine woman, a great friend, and a very nice person. Talaga lang na mag-friends kami," says Sam Milby about Anne Curtis.


Isa sa mga magagandang gifts na natanggap ni Sam Milby noong birthday niya last May 23 ay ang sapatos na ibinigay sa kanya ni Anne Curtis.

"Nakita kasi niya kung gaano na kadumi ‘yong ginagamit ko, so she gave me one pair," masaya pa nitong pagbabalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Muli, sinabi ni Sam na very close friends lang sila ni Anne at walang anumang bahid na katotohanan ang mga isyung romansa sa kanila.

"Isn't she your type?" tanong ng isang kasama sa panulat.

"No, I cannot say that. She is a very fine woman, a great friend, and a very nice person. Talaga lang na mag-friends kami," sagot nito.

Isang rebelasyon din ang naibahagi ni Sam tungkol sa preference niya sa mga babae. Noong umpisa raw talaga ng kanyang paninirahan sa bansa ay hindi siya nagkaroon ng anumang atraksiyon sa mga Asian women, more so sa mga Pinay.

"But after five months or so, I began to like them," kumpisal ng aktor sa PEP.

In fact, bago pa man siya kinuha ng showbiz ay isa lang siyang regular guy na nagpupunta sa mga go-see at VTR interviews, sumasakay sa tricycle at MRT, at nakikipag-date sa mga Pinay women. Nakatira siya dati sa mga kamag-anak niya sa Bulacan.

"But it's entirely different now. There are lots of work to finish and several commitments to do. Akala ko nga dati after Pinoy Big Brother, babalik ako sa mga go-see at VTR. I really never imagined my life to be like this. Kaya nga gusto ko talaga to take this very seriously," saad pa ni Sam.

Kaya naman at 23, mas nais daw muna niyang maging emotionally mature at mag-take advantage sa kanyang career. Besides, may bago siyang ipinapatayong bahay kaya mas kailangan niyang mag-work.

He plans to have another album this year dahil may mga compositions na siyang nalikha na ready na for recording anytime soon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag hiningi na ng Star Records, nandiyan na," sabi niya.

But definitely daw ay malabo muna ang isang big concert sa kanya for this year, though halos mapuno na ang kanyang sked ng mga shows abroad at sa mga key cities dito sa Pilipinas.

He will be in London for some TFC shows this June and when he comes back, malamang na mag-umpisa na ang Book 2 ng Maging Sino Ka Man, o isa pa uling movie under Star Cinema. Malamang din na madagdagan na naman ang kanyang product endorsements. To date ay mayroon siyang 11 products and brands na ini-endorse.

Now, siguro naman ay mauunawaan na natin kung bakit wala talagang time for serious commitment and love ang isang Sam Milby, na ang hinahanap palang mga katangian sa isang babae ay "hindi tamad, easy to talk to, God-fearing, taga-showbiz man o hindi basta madiskarte, at siyempre pa ay mamahalin ang kanyang pamilya at values sa buhay."

Nang tanungin siya ng PEP kung siya ‘yong tipong let-go o hold-on person, matagal na nag-isip ang aktor.

"In terms of relationships, I can be both a let-go and hold-on person. Pero pag talagang kailangan nang pakawalan, let go of her na. In terms of possessions? I can hold on. But then again, pag naging excess na, puwede ko na ring i-let go at ibigay sa iba. Pagdating sa ibang tao, like friends that I work with or special people that I like to be with me, I am a hold-on person. Kasi puwede pa magbago 'yong person, e, so give him or her the chance," paliwanag ng matinee idol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN