Prince Stefan reveals the name of his royal father


Prince Stefan, StarStruck Batch 4 First Prince, now has a way to get in touch with his father who left him and his mother when he was still a baby.


Masayang ibinalita ng StarStruck 4 First Prince na si Prince Stefan sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na sa wakas, pasok na rin siya sa The Boys Next Door, ang pamalit na show sa magtatapos nang Magic Kamison. Currently, Prince is also the male endorser of Bratts shirt, together with Lovi Poe.

Pero mas may maganda siyang balita, something personal. Naibigay na raw sa kanya ng kanyang ina ang email ng kanyang ama, si Saed Alis Al Abrahim Faisal, the Prince of Kingdom of Dammam, Saudi Arabia. First time na nabanggit ni Prince ang pangalan ng kanyang ama. Never niya itong na-mention noon at naiiyak na lang siya kapag tinatanong siya about this.

Kasama pa ng ina ni Prince ang kanyang ama nang ipinanganak siya. Kaso, may isang hiling ang kanyang ama sa ina.

"Gusto niya po akong kunin ng baby pa ako, pero ayaw ng Mommy ko," kuwento ni Prince.

Dahil dito, iniwan silang mag-ina to fend for themselves. Bumalik sa Iloilo ang kanyang ina, kasama siya bilang sanggol at doon na siya lumaki.

Recently, dahil may sariling isip na rin si Prince, ibinigay na sa kanya ng kanyang ina ang pangalan ng ama, pati ang email address nito. May ipadadala ring picture ang ina niya from Iloilo—a picture of Prince's father and himself when he was still a baby.

Nangako si Prince na ibibigay ang exclusive picture na ito sa YES! magazine, ang sister publication ng PEP.

Nagbabalak na si Prince sa sulatan ang kanyang ama.

"Hindi ko po alam kung kilala niya pa ako o ire-recognize niya ako bilang anak. Sana po ma-recognize niya ako," dalangin ni Prince.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN