Dr. Vicki Belo waits for right timing with Kris Aquino


Dr. Vicki Belo wants to end rift with Kris Aquino (right) and Rosanna Roces (left).


Inamin ni Dr. Vicki Belo nang makaharap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na naghahanap lang daw siya ng tamang tiyempo para muli silang magkabati ng kaibigan niyang si Kris Aquino. Matapos ang ilang buwan na tampuhan—na nag-ugat sa pagkakaugnay ng mister ni Kris na si James Yap kay Hope Centeno, isang staff ng Belo Medical Group, —umaasa ang doktora na magtatapos na rin ito.

"Naghahanap ako ng timing. I just pray that it'll be okay," sabi ng Dr. Vicki.

Naniniwala rin daw ang beauty doctor na maaayos ito dahil sa pagkakakilala niya kay Kris. Hindi raw nagtatagal ang galit ng TV host-actress.

"Si Kris kasi, alam ko hindi siya nagtatanim ng galit over years, months puwede pa. I don't think she's mad but I know she's hurt. So, para maiwasan na masaktan pa siya, just like I promised before, hindi na ako magko-comment ng kahit ano."

Hindi naman nakaiwas si Dr. Vicki sa tanong ng PEP kung mapapatawad naman niya ang dati ring kaibigan na si Rosanna Roces. Sa kuwento ng doktora, matagal na raw niyang napatawad si Osang.

"Actually, Rosanna and I, wala akong galit sa kanya. I just hope she makes ayos her friendship with Manay Lolit [Solis] and LT [Lorna Tolentino], that's my wish. Me, tapos na ang galit kasi nakakatanda pag matagal na," pagbibiro ni Dr. Vicki.

Kay Manay Lolit daw humihingi ng payo si Dr. Vicki kaya't dapat ito ang unang aregluhin ni Osang. May nakabinbin pang demanda ang doktora laban kay Osang dahil sa mga sinabi ng huli na nakakasira umano sa pangalan ni Dr. Belo.

"I will drop the case when Manay Lolit tells me," sabi ni Dr. Vicki. "I appeal to Osang to make peace with Manay Lolit so we can all move forward and live a happy life. But there has to be an apology. It cannot be just like that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nag-ugat ang awayan nina Osang, Manay Lolit, at Dr. Belo nang pumutok ang tsismis na buntis ang anak ni Osang na si Grace Adriano. Inakusahan ni Osang si Dr. Belo na nagpasimuno ng tsismis, pati ang dating manager niyang si Lolit ay nadamay na rin sa gulo. Bunsod nito, umalis si Osang bilang endorser ng Flawless (isa sa mga kumpanyang hawak ni Dr. Belo) sa programang Startalk, at sa pagiging talent ni Manay Lolit.

Matapos ang ilang buwan, nakumpirma ang balitang buntis nga ang panganay ni Osang kay Jolo Revilla, anak nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN