Polo Ravales on Ethel Booba: "Type ko siya as a friend."


Polo Ravales says Ethel Booba is great fun sa kanilang gimikan.


Aware ang sexy actor na si Polo Ravales na nili-link siya ngayon sa sexy comedienne na si Ethel Booba. Nang mag-guest nga si Ethel sa Showbiz Central last Sunday ay tinanong siya ni John "Sweet" Lapus kung totoong nagde-date sila ni Polo. Umamin naman si Ethel, pero nilinaw niya na walang namamagitan sa kanila.



"Ang totoo niyan kasi, nagkakasama kami ni Ethel dahil iisa lang ang aming manager. So, parang magbarkada kami. Kapag lumalabas kami, nagti-text kami. Kunwari, kung nasaan ako, ini-invite ko siya," paliwanag ni Polo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng guesting niya sa Homeboy kahapon, May 29.



Dagdag pa ni Polo, sobrang nag-e-enjoy siya kapag kasama si Ethel dahil masaya at naaaliw siya sa kakulitan nito.

"Iyon siguro ang dahilan kung bakit kami nali-link, sobrang magkasama kami sa gimikan," sabi niya.



Wala bang posibilidad na magkadebelopan sila?



"Imposible," sagot niya. "Imposible kaming magkadebelopan dahil magkaibigan lang talaga kami. Hanggang magkaibigan lang talaga kami ni Ethel and masarap siyang kasama."



Nagsimula raw silang maging close ni Ethel nang magkasama sila sa campaign rallies last election at nagtuloy-tuloy 'yon hanggang ngayon.

"Actually, hindi pa kami nagkikita dahil busy ako ngayon sa promo ng pelikula ko [Silip]. Siguro kapag magkakaroon uli ng panahon para gumimik, tiyak na iti-text ko pa rin siya dahil masaya siyang kasama," paniniguro niya.



Hindi ba niya type si Ethel na maging girlfriend?



"Type ko siya as friend," sagot ni Polo.

Pinabulaanan din ni Polo ang balitang nag-one-night stand sila ni Ethel. Hindi raw puwede mangyari ‘yon, lalo pa't magkabarkada sila.



"Tingin ko, mayroon kaming respeto sa isa't isa, in fairness," sabi niya.



Idiniin din ni Polo na loveless siya ngayon at nakatuon ang kanyang atensiyon sa trabaho.

"Ako, honestly speaking, I enjoy being single. Mas nakakapag-focus ako sa trabaho. Walang masyadong pressure," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN