Maxene Magalona enjoys showbiz but education comes first


Maxene Magalona, daughter of Francis Magalona, has turned down showbiz offers to concentrate on her studies in AB Social Sciences, Ateneo de Manila University.


Sa taping ng Homeboy last May 29 ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang 20-year-old daughter ni Francis Magalona na si Maxene Magalona. Naniniwala ang young actress sa kahalagahan ng edukasyon kaya naman mas inuuna niya ito kaysa pag-aartista.



Ani Maxene, "Education is very important kasi 'yong showbiz career, hindi naman 'yan forever. Kailangan mayroon ka ring fallback na puwede mong gamitin in the real world. Siyempre hindi ka naman forever sikat, hindi ka naman forever magkakaroon ng projects. So kailangan mayroon ka rin magamit to earn a living in the future."



Alam ng young actress na hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga magulang, pero hindi ito ang dahilan kaya gusto niyang makapagtapos. Naniniwala si Maxene na kahit hindi nakapagtapos ang isang tao ay mayroon din itong pagkakataon na magtagumpay sa gusto nitong mangyari sa buhay. Ginawa nga niyang halimbawa ang kanyang amang si Francis M. na hanggang ngayon ay sikat pa rin bilang musical artist and TV host.



"We don't judge people who don't finish their schooling kasi alam naman natin na kahit di ka nakapagtapos ay kaya mo pa ring abutin kung ano 'yong gusto mong abutin. But for me, I just want to be able to finish para may opportunity," paliwanag ni Maxene.

Isang taon at kalahati pa ang bubunuin nito para matapos ang kanyang kursong AB Social Sciences sa Ateneo de Manila. Ito ang dahilan kung bakit marami siyang tinatanggihang offers bilang karagdagan sa kanyang weekly sitcom na Daddy Di Do Du ng GMA-7 at M-ZET Productions.

"Marami but I don't regret it kasi para sa akin, mas gusto ko talaga ang mag-aral, not because I look down on the showbiz industry. Feeling ko lang, 'yon ang mas gusto kong gawin," sabi niya.



Sa kabila nito, nilinaw ni Maxene na nage-enjoy siya sa pagiging artista at gusto niya ang daigdig ng showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "It's just that noong in-offer sa akin ang mga projects before, they were asking kung puwede di muna ako mag-enroll. Hindi ko naman puwedeng gawin 'yon kasi katatanggap lang sa akin sa Ateneo and sayang naman."



Nilinaw rin ni Maxene na hindi bawal ang pag-aartista kasabay ang pag-aaral sa Ateneo.

"It's just that, first time ko pa lang magka-college noon," sabi niya. "Kung pagsasabayin ko ang pag-aaral at showbiz, feeling ko hindi ko kakayanin. Pero ngayon na magfu-fourth year na ako ay puwede na akong tumanggap ng mga projects and shows kasi kaya ko naman."



Hindi man kasali sa Dean's List si Maxene, masaya naman ang young actress dahil matataas ang kanyang grades.

"I got A's, I got B's. Mostly sa foreign languages, mataas talaga 'yong grades ko. Sa Pilipino, magaling ako. I can say na ako 'yong student na hindi man pang-Suma Cum Laude, pero talagang masipag ako pagdating sa studies ko," pagmamalaki pa niya.



Inamin din ni Maxene na may boyfriend na siya.



"I have a boyfriend now, four years na kami," sabi niya. "My Mom [Pia Magalona] knows about it. My Dad knows about it. Okay naman kami. His name is Ruel de Vera. He studies at ICAM, it's a culinary school but he took up Business in Entrepreneur School of Asia."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN