Luis Alandy thankful for new Impostora role


Luis Alandy's costly recuperation from a knee injury kept his acting career on hold, and his pockets empty, for a long spell.


Wala nang show si Luis Alandy sa ABS-CBN kaya naman tinanggap niya ang bagong soap opera ng GMA-7 na Impostora. Ginagampanan niya rito ang role ng isang plastic surgeon na kakutsaba ng Sunshine Dizon karakter sa istorya.



Kung tutuusin ay talagang sa GMA-7 nagsimula si Luis. Isa siya sa original talents ng Artist Center ng Kapuso Network, kung saan nakabilang din sina Toni Gonzaga at ang ex-girlfriend niyang si Roxanne Barcelo, na pareho na ring napunta sa Dos.



Nagpapasalamat nga si Luis dahil nagkaroon ulit siya ng regular na pagkakakitaan. Halos wala na raw kasi siyang kinikita after na maoperahan ang kanyang tuhod dahil sa basketball injury.



Malaki raw ang nagastos niya sa pagpapaopera at therapy kaya halos doon lang daw napunta ang mga naipon niya sa pag-aartista. Hindi nahiyang aminin ni Luis na konti na lang daw ang natira sa ipon niya kaya blessing in disguise ang pagdating ng Impostora sa kanya.



"Parang nadinig ng Diyos ang mga dasal ko," nakangiting sabi ni Luis. "Matagal akong nabakante sa trabaho because of my knee operation. ‘Yong maintenance na lang sa gamot at therapy ay grabe sa mahal kaya halos ma-zero balance ako. Thankful ako sa GMA-7 for giving me work. Tsaka maganda ang role na ibinigay nila sa akin sa Impostora."

Binanggit din ni Luis na loveless siya ngayon. Wala raw siyang panahon sa panliligaw dahil parang nag-uumpisa na naman siya sa kanyang career.



"Magastos ang mambabae!" tawa niya. "Hindi ko muna pagtutuunan ng pansin ‘yan kasi mas importante ngayon ang magtrabaho ako. Kapag nakapag-ipon na ulit ako, siguro puwede na ako makipag-date ulit. Sa ngayon, wala, e. Work muna tayo talaga."

Ang huling naging girlfriend ni Luis ay ang young actress-singer na si Roxanne Barcelo.



Huling napanood si Luis sa ABS-CBN fantasy series na Pedro Penduko. Miyembro rin dati si Luis ng all-male group na Barako Boys, na kinabibilangan din nina Jay Manalo, Christian Vasquez, Carlo Maceda, Paolo Paraiso, and Reggie Curley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN