Piolo not on Judy Ann's 20th anniversary guest list


Conspicuously uninvited to Judy Ann Santos's 20th anniversary show is Piolo Pascual, a leading men she has had many blockbuster hits with.


All smiles si Piolo Pascual sa late dinner para sa buong cast pagkatapos ng premiere night ng movie nila ni Regine Velasquez, ang Paano Kita Iibigin?, sa Italianni's restaurant sa SM Megamall last May 29. Puno kasi lahat ng tatlong sinehan na pinagdausan ng premiere night ng pelikula nila.

Hindi naman binigo ng mga fans sina Regine at Piolo dahil sa first day nito kahapon, May 30, ay balitang malakas ito sa takilya, sa kabila ng pagbuhos ng malakas na ulan.



After ng first team-up niya with Regine, haharapin naman ni Piolo ang kanyang singing career.



"Magko-concentrate muna ako sa pagkanta. I will have a tour," banggit niya sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

This year, ise-celebrate ni Piolo ang kanyang tenth anniversary sa showbiz. To celebrate his anniversary, magkakaroon ng major concert si Piolo sa Araneta Coliseum on November 30.

"I'm excited because iba naman ‘yong magagawa ko, di ba? Pero I really want to do a movie before the year ends. Pero hindi pa puwedeng pag-usapan," sabi ni Piolo.

Posible ba na magbalik-tambalan sila ni Judy Ann Santos sa susunod niyang pelikula?

"Trabaho lang naman ‘yan, e, pero tingnan natin. Basta ako, gagawin ko trabaho ko," sagot ni Piolo.

Sa hiwalay na interview ng PEP kay Judy Ann ay sinabi nitong hindi kasama si Piolo sa guests niya sa kanyang 20th anniversary special na gaganapin din sa Araneta Coliseum this June.

"Well, in that case, we just have to respect her opinion," tugon ni Piolo, nang tanungin kung ano ang reaksiyon niya sa hindi niya pagkakasali sa anniversary celebration ng dati niyang katambal.

Masasabing hindi magiging kumpleto ang selebrasyon ni Juday sa kanyang 20th anniversary kung wala si Piolo. Bukod sa mga drama series na ginawa nila sa ABS-CBN ay marami rin silang nagawang mga pelikula na tumabo nang husto sa takilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Piolo nga ang masasabing pinaka-successful onscreen partner ni Juday, kung sa dami at laki ng box-office returns ang pag-uusapan. Ang tambalang Juday-Ryan Agoncillo, ang boyfriend niya sa tunay na buhay, ay minsan pa lang tumabo sa takilya at kailangan pang magpakita ng consistent success.

"She's the celebrant so we have to accept her decision," maikling pahayag ni Piolo.

Nang tanungin kung sa tingin niya ay masama pa rin ang loob sa kanya ni Juday, matipid na "okay" lang ang naging sagot ng matinee idol.

Sa tingin ni Piolo, paano matatapos ang gap nila ni Judy Ann at ng boyfriend nitong si Ryan Agonciilo?

Ayon sa kanya, "Matatapos at matatapos din ‘yan. Sa ngayon, wala pa talagang chance para magkita-kita kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN