FIRST READ ON PEP: Rufa Mae Quinto and Erik Santos: Cool-off?


Rufa Mae Quinto and her boyfriend Erik Santos hardly see each other these days.


Patapos na ang pictorial ni Rufa Mae Quinto para sa isang glossy men's magazine nang datnan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng photographer na si Jun de Leon last Tuesday, May 29.

Ang laki ng ibinagsak ng katawan ni Rufa ngayon. Hindi nakapagtataka kung pagdudahan na isa sa mga dahilan ng pagpayat ni Rufa Mae ay ang recent rumor na pakikipag-date diumano ang boyfriend niyang si Erik Santos kay Say Alonzo.



"In fairness, wala naman akong problema sa lovelife ko. Poproblemahin mo pa ba ‘yan?" sabi ni Rufa Mae.



Bakit nga ba sila natsismis na hiwalay prior sa issue na may nakakita kina Erik at Say na magkasama?

"He left for the States, halos isang buwan siyang nag-tour, di ba? E, sa Alaska ‘yon, sa North Pole na yata malapit! Walang cell phone, walang everything, so hindi ko na alam kung kumusta na siya, di ba? So that's what happened. Hindi na kami nagkaroon ng communication for almost a month. But then, after that, nandito na siya ulit. Basta masasabi ko lang, I missed him," nakakatawang kuwento ni Rufa Mae.

Pagbalik ba ni Erik sa Pilipinas ay super-lambingan na silang dalawa?

"Hindi rin, e," sagot ng sexy comedienne. "Kasi ako naman ang umalis. Siya rin umalis. Tapos abroad siya nang abroad."



Feeling ba niya napapabayaan na siya ni Erik as a girlfriend?

"Hindi naman. Kasi siyempre, at least marami siyang projects, di ba? Pero noong birthday ko naman, sinurprise nila ako lahat ng friends ko. So, siya naman ang nag-ayos nun. So, parang happy naman ako. But ang masasabi ko lang sa ngayon, I missed him," ulit niya.



Wala pa rin bang time si Erik para sa kanya kahit nandito na sa Pilipinas ang singer?



"It's not because choice niya ‘yon," sabi ni Rufa Mae. "It's because marami siyang projects. Aalis na naman siya, e. Punta siya ng Hong Kong tapos Singapore, and then pupunta siya sa States with Sarah [Geronimo] and Mark [Bautista].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi naman daw nami-miss ni Rufa Mae si Erik dahil busy rin siya. In fact, kagagaling lang niya from Brunei para mag-tape ng isang episode ng Pinoy Meets World for GMA-7.



"Hindi kami nagkikita basically kasi nag-campaign period din, e. Kaya kung saan-saang province din kami napunta. So, pagbalik niya rito from Alaska, ako naman ang umalis papuntang Brunei. Tapos ngayon, nasaan na ba siya?" natatawang sabi ni Rufa Mae.



Pero pagdating ni Rufa Mae from Brunei, saka naman natsismis si Erik na may idini-date daw na ibang babae—si Say Alonzo.

"We haven't talked yet, pero I trust him naman siguro," aniya. "Pero we will still talk. Pero kailan pa? Kailan ba kami mag-uusap? Basta within the week siguro."



Naniniwala ba siya sa tsimsis tungkol kina Erik at Say?



"Parang hindi naman. But of course, I have to ask also. May karapatan naman siguro akong magtanong," sagot ng sexy comedienne.



Hindi man lang ba sila nakapag-usap ni Erik nang bigyan siya ng surprise birthday party nito sa bahay niya sa Acropolis noong Linggo?



"Hindi nga ako maka-text, e, kaka-pictorial ko rito. E, noong Sunday naman, parang naiyak na ako noon. Everybody went sa bahay ko. ‘Yan, sina Ryan (road manager ni Rufa from Backroom) at Erik ang nag-surprise sa akin. At that moment, siyempre umiyak-iyak muna ako and everything, tapos saya-sayahan na. Kaya nakakahiya namang magtanong, di ba?



"Kahapon [May 28], ang usapan kasi may premiere night, manonood kaming lahat. Tapos pupunta sila somewhere na hindi rin ako makakasama dahil tomorrow meron akong story conference sa Viva Films. Magsu-shoot din kami sa ibang bansa, e; sa Hong Kong kasi OFW din kami. So, good luck to us. Pero okay kami. Talagang time lang talaga. Kasi nagwo-world tour na kami, e. Kaya ang hirap-hirap, di ba?



"Tapos nawawalan pa ng signal. So, parang that time talaga, I swear hindi ko alam kung nasaan pa siya. Kung ano ang nangyari sa buhay niya. Kung kilala pa ba niya ako. Pero mabait na tao ‘yon. Wala akong maku-complain doon," pahayag ni Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base sa sagot ni Rufa Mae, nahalata naming tila may problema sa pagitan nila ni Erik kaya tinanong namin siya kung nagkakalamigan na ba sila ni Erik.

"I think tanungin ninyo na lang siya. Mahirap na lang magsalita, di ba?" nakakaintrigang sagot ni Rufa Mae.

Totoo bang cool-off sila ni Erik ngayon?

"Basta! Ayoko munang mag-comment sa mga ganyan, ‘no! Better na lang to ask him," sagot ni Rufa Mae.



Shaky na ba ang relationship nila?

"I don't want to say that naman."

Paano niya made-describe ang relationship nila ngayon ni Erik?

"Basta ang masasabi ko lang, I missed him. Ayoko munang magsalita basta okay kami."

Anong level na ba ang pagmamahalan nila?

"I would say na todo na. Pangit naman makipagrelasyon na nasa one."

Nabawasan ba ang pagmamahal niya kay Erik?

"Hindi naman," tanggi niya. "Nadagdagan pa nga, e. So siyempre, nasa 9.99!" tawa ni Rufa habang maiyak-iyak.

Nawalan na ba siya ng tiwala kay Erik?

"Never akong mawawalan ng tiwala sa tao na ‘yon. Dyusko, hindi nabawasan ang tiwala ko doon. Mabait na tao ‘yon," sabi niya.

Bilang panghuli, sinabi ni Rufa Mae na ayaw niyang isipin kung ano ang puwedeng maging dahilan para tuluyan nang mawala ang tiwala niya kay Erik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN