Nikki Gil on Geoff Eigenmann: "We're still friends, nothing exclusive pa rin."


Nikki Gil and Geoff Eigenmann, both of MYX VJ, have a "weird relationship". They're best friends but she dates others and he's in no hurry for a special relationship.


After her break-up with Gab Valenciano, anak ni Gary Valenciano, na-link agad si Nikki Gil sa kapwa niya MYX VJ na si Geoff Eigenmann.



Kung noong una ay ayaw pang aminin ni Geoff ang panliligaw niya kay Nikki, later on ay inamin din ng young actor ang espesyal na nararamdaman niya para sa young actress-singer.



Everybody thought that this courtship would end in a deeper and more serious relationship, but when PEP (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Nikki, she clarified that there's nothing special going on between her and Geoff. In fact, she says, she still dates other guys.



"I still date, I still go out with other friends. Status quo, Geoff and I are still friends. Nothing exclusive pa rin," sabi ni Nikki.

Bakit nga ba hindi pa rin niya sinasagot si Geoff?



"I don't want to be unfair to him or to other potential boyfriends for that matter because sila rin ang magsa-suffer. I'm busy now with school, with my work, in singing, and trying to do it [all] at the same time. Gusto ko when I enter in a relationship, I have time for that person.

"Iba kasi ‘yong relationship namin ni Geoff," patuloy niya, "we have a weird relationship kasi. I know him since 12 [years old]. He's just more than an acquaintance, more than just a good friend, he's my best friend. We've been through more in that sense. Ewan ko kung hanggang kailan siya maghihintay. I'm not closing my doors to anyone."

Paano kaya kung mabalitaan na lang ni Nikki na may iba na palang nililigawan si Geoff?



"I don't mind," sagot niya. "Doon mate-test ‘yon. If he goes for someone else, then obviously we're not meant for each other. Ako kasi, personally, I trust fate. Kumbaga, I'll let destiny take its course."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa hiwalay na panayam ng PEP, sinabi rin ni Geoff na nananatili silang magkaibigan ni Nikki hanggang ngayon.



"We're friends and we're not in a hurry naman or anything," sabi ng young actor. "Basta lagi kaming magkasama on work and even outside work, magkasama pa rin kami. Okay na ‘yon sa akin. What's important is that we're having fun.



Dagdag pa niya, "Ako kasi, di rin ako naiinip. We're really having fun sa friendship namin. Pareho kaming masaya sa mga nangyayari sa amin, with us and in our work."



Sa pag-amin ni Nikki na nakikipag-date siya sa ibang guys, wala kayang selos sa parte ni Geoff?



"Siyempre, hindi mawawala ‘yong selos but she can do whatever she wants because hindi naman kami. Ako rin naman, I can go out with other people," sabi ng anak nina Michael de Mesa at Gina Alajar.

Pero ayon kay Geoff, hindi raw siya nakikipag-date sa ibang babae ngayon.



"By choice hindi. Wala lang, ayoko lang talaga," sabi niya nang tanungin kung ano ang dahilan.

Dahil hindi nagsasara ng pinto si Nikki sa kahit kanino, paano kaya kung sa huli ay sa iba mahulog ang loob ng young actress-singer at hindi kay Geoff, sa kabila ng kanyang loyalty and effort?

"I doubt if it's gonna happen without her telling me," kampanteng sagot ni Geoff. "Iyon ang usapan namin. If there's one thing really good between us, [it's] that we really talk, so open talaga kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN