Ice hockey skater Victor Basa over-qualified for "Stars on Ice"?


Victor Basa explains that ice hockey and figure skating are two different disciplines.


Deadma si Victor Basa sa mga complaints ng kalaban niyang teams sa Stars On Ice sa QTV 11.

Victor is being groomed together with Carla Humphries as the lead pair of the third season of Star Magic Presents: Abt Ur Luv (Ur Lyf 2), after Rayver Cruz and Shaina Magdayao left the series. Maraming kasamahan sa entertainment press ang nagulat nang mabanggit naming nasa isang QTV 11 show pala ngayon si Victor, sa Stars On Ice hosted by Arnell Ignacio.

For this season, isa pang ABS-CBN talent ang kalaban niya—si Say Alonzo.

Sabi ni Victor, nagpaalam siya sa Star Magic ng ABS-CBN. Ang QTV 11 pa nga raw ang nag- request for him to join the show dahil kilala ring ice hockey player si Victor, so may alam na siya sa ice skating.

Kaso, ito naman ang inirereklamo ngayon ng ilang competing teams against Victor. May rule daw kasi ang show na dapat ang kuning artista na magku-compete for the show has no knowledge about ice skating.

Narinig na rin ni Victor ang mga complaints sa kanya—mostly mga parents daw ng competing teams—pero he stressed it was not the rule daw. Ang nasabi sa kanya, dapat ay hindi marunong mag-figure skating ang lalaban, a rule he definitely fits into.

"Magkaiba naman ang ice hockey and figure skating," sabi ni Victor during the relaunch of their Saturday teen show sa ABS-CBN. "Ang pinagkapareho lang, parehong gumagamit ng ice skate. Ibang discipline ‘yon."

We asked someone from the QTV 11 show kung ano ba talaga ang ruling na inilabas nila about this and they verified Victor's statement. Basta marunong mag-ice skate para hindi na hirap maturuan, pero hindi marunong mag-figure skating.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN