Cass Ponti denies being supported by a DOM


Former Pinoy Big Brother housemate Cassandra Ponti has been persistently rumored to be in a sugar daddy's keep. That's all intrigue, she argues.


Isang isyu na hindi mamatay-matay at patuloy na ipinupukol sa sexy star na si Cassandra Ponti ay ang pagkakaroon diumano nito ng DOM (dirty old man) na sumusuporta sa kanyang financial needs.



Nakukuwestiyon ang mataas pa rin daw na standard of living ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate. Pinagtatakhan ng marami kung paano naa-afford ni Cass na tumira sa isang mamahaling condo unit somewhere in Timog Ave., Quezon City. Naibigay pa nga ang exact figure na P25,000 bilang monthly rental diumano niya sa nasabing condo unit. Ang DOM nga raw na may hawak sa sexy star ang nagbabayad ng buwanang upa nito.

Nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cass sa dressing room ng ABS-CBN during the rehearsal of Star Magic's 15th anniversary, agad nitong nilinaw ang nasabing issue.



Ani Cass, "Parang times two naman yata ‘yang sinasabi nilang P25,000 [na upa] kasi I only pay P13,000 a month, kasama na ‘yong association dues dun. Saka sino naman ang nakikita nilang DOM sa condo ko? Before, sinasabi nila na sa parking lot daw kami naglalampungan, e, ngayon lang naman ako nakabili ng sasakyan.



"Ako, nagtatrabaho ako nang maayos," patuloy niya. "Ang hirap kasi sa iba, nakakagawa sila ng intriga kahit wala naman silang proof or evidence. Pero okay lang, bahala sila. Kasi ang importante, alam ko sa sarili ko na walang katotohanan ang mga isyung lumalabas at alam ko na kumikita ako ng pera."

Cass describes herself as someone frugal. Lahat pala ng kinikita ng PBB housemate ay kanyang bina-budget base sa expenses na kanyang gagamitin for the whole month.



"Isa pa, matipid akong tao," aniya. "Hindi nila ako makikitang gumigimik kung saan-saan. Kung makita man nila ako, diyan lang ako sa BL_E Without U in Esquinita. Actually, it was my birthday last March 1 noong nagpunta ako dun. After nun, di na nasundan pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Saka lahat ng kinikita ko, lahat ng money na pumapasok, naka-budget na ‘yon sa mga gastusin ko. Marami naman akong work sa labas, saka visible pa naman ako sa TV. Like, regular ako sa ASAP as one of the Hot Chicks, may mga TV guestings din ako," depensa ni Cass sa sarili.

According to the PBB Season 1 runner-up, never daw siyang nakatanggap ng anumang indecent proposal na galing sa kahit kaninong DOM.



"Ako kasi, bihira lang ang mga taong may alam ng number ko. Here in show business, ilan lang ang may alam kasi ilan lang din naman ang kaibigan ko dito. Hindi ako nagbibigay ng numbers kung kani-kanino. Ang nakikipag-negotiate naman pagdating sa work ko ay Talent Center, ‘yong handler ko. Nalalaman ko na lang na may work ako pag pupunta na lang ako sa ganito o ganyang lugar," paliwanag ni Cass bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN