Jolina Magdangal shares wedding plans


Jolina and her fiancé Bebong Muñoz definitely plan to say "I do" here in the Philippines. She wants it simple and intimate but is thinking, too, of her many friends and fans in showbiz.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jolina Magdangal habang kumakain siya ng paborito niyang ginataan sa Cabalen Restaurant sa West Avenue, kahapon ng tanghali, June 2. Isa siya sa mga ninang sa dedication ng anak nina Jan Marini at Gerard Pizarras.

Kinumusta namin si Jolina pagkatapos ng walang puknat na puyatan at pagpapagod sa pagsama niya sa kampanya ng kasintahang si Bebong Muñoz. Si Bebong ay tumakbong congressman sa Caloocan City. He did not make it.



"If it's about ‘yong tungkol sa pagkatalo, ayoko na siyang pag-usapan," pauna ni Jolina. "Obvious naman, di ba? Kasi may reporter na nagsulat about it, e. Sabi ko naman, off-the-record na lang. Kasi nga, tapos na naman ito. And the only thing na masasabi ko about it, we have to move on. As far as Bebong is concerned, tinanggap naman niya ito nang maayos and he readily conceded noong maproklama na ang mga nanalo."

Hindi na namin siya kinulit tungkol sa nakaraang eleksyon. Instead, tinanong namin siya tungkol sa mga susunod nilang mga plano ni Bebong. Aminado si Jolina na pinaghahandaan na nila ni Bebong ang nalalapit nilang kasal.



"Sana nga next year na," sabi ni Jolina. "Pero siyempre, ang daling sabihin nito kaya lang mahirap gawin. You have to go into so many preparations din naman. Of course, meron akong dream wedding at napapag-usapan na namin ‘yan.



"Dito kami [sa Pilipinas] ikakasal. Puwedeng sa probinsiya o sa ibang lugar, basta dito sa Pilipinas. And gusto ko nga, simple at solemn na mga close lang talaga ang sasaksi. Pero naisip ko rin na hindi ko puwedeng ipagkait ito sa aking mga kaibigan at tagahanga sa mundong ginagalawan ko. Kaya pag-iisipan pa namin ang preparations na gagawin namin. Right now, Bebong is in Boracay. Meron siyang kailangang attend-an na meeting and he's relaxing na rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dagdag ng GMA-7 star, "Kasama na rin sa pagpaplano namin now ‘yong paghahanap ng business na we could get into. And gusto namin na pereho kaming maging involved in it. Like, he has the know-how when it comes to management and siguro, ako naman, ‘yong sa entertainment part. It might be a restaurant, although hindi ko pa nabi-visualize ito.



"What I have in mind kasi is parang day-care center. Sa iba-ibang lugar dito sa Pilipinas. Kung hindi naman, it has to do something with the kids. Like parang sa mga toddlers. Na maitutuloy ko pa rin ang foundation na itinatag ko para mas marami pa ring mga tao ang matulungan."



Nagsimula na ba si Bebong na ipagpagawa siya ng bahay?



"Hindi pa," sagot ni Jolina. "Kasi nga, we still have so many plans. I think, mauuna muna na magpakasal kami before we get our new house. Siyempre, marami ring kailangang i-take into consideration in buying a house, di ba? I was thinking of settling muna in a condo. And then, at saka kami bibili ng bahay, para when the time comes, alam na namin kung ano talaga ‘yong klase ng bahay we would want to be our love nest."



Nabanggit din ni Jolina na sa July na ipapalabas ang pelikulang pinagsamahan nila ni Judy Ann Santos, ang Ouija. Sa kasal ba nila ni Bebong ay imbitado si Juday?



"Of course naman! And I will make it a point na meron talagang participation sa kasal namin ang friend ko. Hindi siya mawawala doon," paniniguro ni Jolens.



Busy ang multimedia star with SOP at ang bagong programa niya sa QTV 11, ang Masigasig.



"Pero aalis ako soon, mga two weeks lang, papuntang US. May mga kailangan lang kaming ayusin doon nina Daddy and meron ding ilang shows na sasalangan," sabi ni Jolens.



Paano kung mag-decide si Bebong to go back to the States?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ay, hindi na!" pakli niya. "Hindi ko na makakaya na magkalayo kami. Kasi naranasan na namin ‘yong magkasama kami here, na puwede naman pala. At kung babalikan namin ang long-distance relationship, ay, ayoko! Hindi ko na make-carry talaga na malayo siya sa akin."



But really, how is she feeling or doing now?



"After the campaign, nagbawi kami ng tulog ni Bebong. We had so much time na mag-outing. Alam mo ‘yon, ‘yong labas-labas kami kasi hindi na kami ngarag. Araw-araw nang masarap ang tulog namin," pahayag ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN