Joy Cancio airs her side on the resignation of "Daisy Siete" director


"Hello? Ako ang producer ng idinidirek mo, sisigawan mo ako?" explains Joy Cancio about the resignation of Daisy Siete director Pat Perez.


Umugong agad ang balitang nag-resign ang direktor na si Pat Perez mula sa pang-hapong programang Daisy Siete, na napapanood sa GMA-7 ngunit ipinu-produce ng Focus E Entertainment, Inc. ni Joy Cancio, na siya ring manager ng SexBomb.



In a phone conversation with PEP (Philippine Entertainment Portal), kinumpirma ni Joy na totoo ngang nag-tender na ng kanyang resignation si Pat, pero ito ay matapos daw na sabihan siya ni Joy na magpahinga muna.



Paano humantong sa tuluyang paghihiwalay sina Joy at Pat, na magkatrabaho nang halos apat na taon?



Kuwento ni Joy: "Pinagpapahinga ko lang naman muna siya. Kasi, may mga bagay akong gustong alamin sa takbo ng production namin. And actually, ang naging mitsa nun is when noong nagte-taping kami... Time pa 'yon ng kampanya, e, nasa Lagos del Sol kami in Laguna.



"Ni-remind ko lang siya na kailangan nang mag-pull out ang dalawang SexBomb members na sina Danica and Grace dahil meron silang kampanyang pupuntahan na nauna na naming sinagutan. E, bigla ba naman akong sinigawan! So, nagalit ako.

"Hello? Ako ang producer ng idinidirek mo, sisigawan mo ako? At alam na niya beforehand pa na ipu-pull out ko 'yong dalawa dahil meron nga silang pupuntahang kampanya.



"Sagut-sagutin pa ako na bakit daw hindi na lang 'yong mga walang eksena sa mga SexBomb ang papuntahin ko sa kampanya. E, sabi ko, nauna na nga 'yong anim. At itong sina Grace at Danica naman, e, wala nang mga speaking lines sa mga kukunan niyang eksena. Bakit daw hindi na lang 'yong mga walang taping ang papuntahin ko sa kampanya."



Ngayong nag-resign na si Direk Pat, sino na ang pumalit dito para ituloy ang Daisy Siete?



"Hiniram ko muna si Direk Roel Icamen. Direktor siya ng H3O [gag show on QTV 11] at saka Eat Bulaga! din. Actually, last May pa ito nangyari, e. Nagulat na lang ako nung may mabasa ako. Ako nga, wala akong sinasabi sa inyo na ganoon ang nangyari dahil ang plano ko lang naman talaga, medyo pagpahingahin muna siya dahil na rin sa mga nakakarating na sa aking mga problemang nae-encounter, hindi lang ng production, tungkol sa kanya, kundi pati mga artista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



HINDI MAIYAK SI ROCHELLE. Dagdag ni Joy: "Na-remember mo 'yong balitang hindi makaiyak si Rochelle [Pangilinan] sa mga eksena niya? Kasi pala, paulit-ulit na lang at pare-pareho na lang na mga eksena ang ipinagagawa niya [Pat] rito at sa iba pang mga artista.



"Actually, nakikiramdam na rin ako sa mga nangyayari, e. Kaya pala, there was a time na noong dumating ako sa taping, narinig ko na lang si Rochelle na may sinabi. Nagbibisi-bisihan na naman daw ang amo. Later on ko na lang nalaman na mas madalas pa raw itong [Pat] magtelebabad at kung darating na lang ako at saka na lang kunwari magba-blocking-blocking.

"Kaya pala minsan, pag pinapanood ko na ang mga eksena, parang hindi rin nakukuha 'yong gusto ko sa isinusulat ko na dapat na maging takbo ng script. Si Suzette [Doctolero] does the finishing touches ng script pero ang istorya, ako ang sumusulat. Kaya alam ko lahat ito.



"'Yong production designer namin na si Jojo [Cueto], gusto na rin sanang mag-resign noon dahil din sa kanya. Sabi ko na lang kay Jojo, siya na nga lang ang mata ko sa set, e, mawawala pa siya.

"Nagkapatung-patong at ipon-ipon na rin ito. Na puwede namang magawan ng paraan at maayos, e. Kaya lang, para naman sigawan mo ako na producer mo, e, teka muna. Ni hindi ka nga parte ng korporasyon, bakit kailangan mo akong artehan nang ganoon? At siya pa ang may ganang magkuwento nito para masulat. Ako, sumasagot na lang ngayon sa mga sinabi niya."



Baka naman may kailangan lang o may gusto lang lambingin si Direk Pat from Focus E o kay Joy? O naging spoiled ba ito sa kanila?



MILYONES NA ANG KINITA. Sagot ni Joy, "Milyones na ang kinita niya sa akin at alam niya 'yan. Oo nga, siguro na-spoil ko rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kung may reklamong ihain si Direk against Joy or Focus E, ano ang gagawin nila?



"E, di ang lawyer na rin namin ang makikipag-usap sa kanya," sagot uli ni Joy. "As far as I know, when it comes sa suweldo o compensation niya from the company, wala naman siyang masasabi dahil bayad naman siya. Kung magkaroon man ng delay, hindi ito tumatagal at naibibigay ang para sa kanya."



Kumusta na ang Daisy Siete ngayong wala na si Direk Pat?

"Tuloy ang taping namin. Ang napansin ko nga sa mga girls, masaya sa set, nagkakantahan pa. Natatapos namin ang 69 sequences na walang nangangarag sa mga artista namin. At kapag pinanood ko na ang finished product, execution and all, I love it!" kuwento ni Joy.



May gusto pa ba siyang iparating kay Direk Pat?



Mariing sabi ng producer-manager: "Hello! Huwag niyang angkinin ang hindi niya kredito. Kasi, noong nakikipagsigawan siya sa akin, ang sinasabi na niya, siya raw ang nagpasikat sa SexBomb. Hello! Hindi porke 'partner' ang tawag niya sa akin, e, aasta na siya na parang siya ang may-ari o boss ng Focus E. Na ang feeling na niya, e, isa na siya sa stockholders nito. Huwag niyang ipangalandakan 'yon dahil hindi totoo.



"Actually, ang dami pang kuwento niyan pero dito tayo mag-stick sa isyu na ito na pagre-resign niya. Siya ang nagsabing ayaw na niya, so wala na akong choice kundi tanggapin na lang ito. At saka 'yon na rin ang napagkasunduan ng mga partners ko sa business. Kesa naman ang mga SexBomb ang isa-isang mawala sa set ko, sige pagbibigyan ko na lang siya sa gusto niyang pagre-resign."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN