Rudy Fernandez flies to Hong Kong for another medical test


Rudy Fernandez and wife Lorna Tolentino, together with their two sons, flew to Hong Kong yesterday, June 3, for Daboy's medical check-up.


Lumipad ang mag-asawang Rudy Fernandez at Lorna Tolentino kahapon, June 3, patungong Hong Kong. Kasama nina Rudy at Lorna ang dalawa nilang anak na si Ralph at Renz.

Kasabay ng checkup ni Daboy, pagkakataon na raw nila ito para magbakasyon ang pamilya. Apat na araw ang itatagal ng pamilya sa Hong Kong.

Sa check-up ni Daboy sa Hong Kong, malalaman na raw nila kung naging mabisa ang kanyang chemo treatment o hindi.

Nagpaunlak ang action star sa isang exclusive interview sa GMA-7 News. Ito ang kauna-unahan niyang pagharap sa camera matapos siyang sumailalim sa chemotherapy para sa kanyang peri-ampullary cancer o tumor sa atay.

Nagpahayag din si Lorna tungkol sa pagpunta nila sa Hong Kong.

"Kaya kami pupunta dun [sa Hong Kong] kasi after every two cycles niya kailangan niya ng PET [Positron Emission Tomography] CT Scan to check kung anong nangyari sa tumors niya," kuwento ni LT.

Mukhang hindi rin daw sila makakapagbakasyon dahil mag-aabang sila kung ano ang magiging resulta ng tests kay Daboy.

"Bale ‘yong two days nun, wala na. Bale ‘yong one whole day, nandun kami sa ospital," sabi ni Lorna.

Ayon na rin kay Daboy, maganda raw na humarap na siya sa camera ngayon para maiwasan na ang kumakalat na mga malisyosong balita tungkol sa kanya.

"Na namatay na? Heto o, buhay na buhay!" patawang sabi ni Rudy.

Maganda na muli ang pangangatawan ni Rudy ngayon at kung magtuluy-tuloy ito, maaaring mabawasan ang kanyang chemo treatment.

"Pag everything is okay sa result, instead of four cycles sa chemo, magiging two cycles na lang. So, two months na lang ‘yon," ayon sa misis ni Daboy.

Nag-text si LT kanina sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sinabi nitong sa Miyerkules, June 6, pa malalaman ang resulta ng tests ni Daboy.

Umaasa naman ang pamilya ni Daboy sa kanyang full recovery. Sana raw ay hindi tayo huminto sa pagdarasal para sa kanyang paggaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN