Say Alonzo being courted by two suitors


After dispelling rumors that she dated Erik Santos, Say Alonzo reveals that she now has two ardent suitors.


Sa The Buzz last Sunday ay nagbigay ng kanyang panig ang Pinoy Big Brother Season 1 ex-housemate na si Say Alonzo tungkol sa pagdidiin na siya ang third party sa pagmamahalan nina Rufa Mae Quinto at Erik Santos, na ngayon ay namimiligrong maging on the rocks.



Sa paliwanag ng dating Bahay-ni-Kuya housemate ay lumalabas na magbarkada ang tatlo at magkakasama pa sila sa kanilang church activity.



Nagbigay ng assurance si Say kay Rufa Mae na kailanman ay walang mangyayaring ugnayan sa kanila ni Erik dahil sa ngayon ay mayroon siyang dalawang mangingibig. Ayon kay Say, ang isa ay taga-showbiz at ang pangalawa ay non-showbiz ngunit nakikita rin sa showbiz circles dahil isa itong modelo.



Ang masasabi ni Say sa kanyang taga-showbiz suitor ay sobrang kinikilig siya dito.

"Sino ba naman ang hindi makaka-type sa kanya dahil guwapong-guwapo siya? But siyempre, he has to prove kung serious siya o hindi," sabi ni Say nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Inamin nitong nanligaw sa kanya ito simula pa noong February, pero hanggang ngayon ay di pa raw alam ng dalaga kung ano ang nararamdaman niya para sa manliligaw.

"Hindi ko pa alam kung gusto ko siya, e. Kasi all looks lang siya. Tinitingnan ko kung may brains."



Inamin din ni Say na hindi pa sila nagdi-date dahil umiiwas siyang makitang magkasama sila na puwedeng pagpiyestahan ng media.

"Nagtatawagan lang kami, text. Actually, di talaga ako sure sa kanya kaya humihingi na lang ako ng sign kung it's the right time for me na magkaroon ng bf kasi ang priority ko talaga ay ang aking work."



Pag-amin ni Say, "Iba kasi ako. Kapag sobrang na-in love, nakakalimutan ko ang trabaho ko. Kaya nagsa-suffer ang career ko."



Hindi kaya nanggaling din sa Pinoy Big Brother ang suitor ni Say na taga-showbiz?



"Ha, PBB? Secreeeet!" tili ni Say.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi talaga mapilit ang aktres para sabihin kung sino itong taga-showbiz na kanyang manliligaw kaya mas minabuti namin na humingi ng clue sa pamamagitan ng initial ng pangalan.

"Yong showbiz M, at 'yong model L," sabi ni Say.



About her model suitor, nababaitan daw siya dito. Kaso lang, sobrang mukha raw itong playboy.

"Nagsimula siyang manligaw noong April kaya lang di ko sure kung nanliligaw talaga siya. Mahilig lang pumorma," ani Say.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN