JC de Vera will not change his religion for Yasmien Kurdi


JC de Vera is a Roman Catholic while Yasmien Kurdi is an Iglesia ni Cristo. If the two should decide to continue their budding romance, one of them may have to give up his/her religion. At this point, JC is not ready to make that sacrifice.


Religion ang tiyak na magiging problema nina JC de Vera at Yasmien Kurdi sakali mang mag-blossom into love ang nararamdaman nila ngayon para sa isa't isa. Hindi naman inililihim ni Yasmien na may crush siya kay JC, simula nang magkasama sila sa afternoon drama ng GMA-7, ang Pati Ba Pintig Ng Puso?.

Dumating na rin sila sa punto na tinatawag nang "labs" ni JC si Yasmien after makunan ang eksena nilang nag-mouth-to-mouth resuscitation si JC kay Yasmien. Kapag kumakain daw silang magkasabay, nagsusubuan pa sila.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si JC pagkatapos ng press con ng Tiyanaks sa Imperial Palace Suites last Sunday, June 2, at natanong siya kung natuloy na silang mag-date ni Yasmien tulad nang napagkasunduan nila ng dalaga.

"Hindi kami natuloy," nakangiting wika ni JC. "Dapat last Sunday 'yon, May 27, pagkatapos ng SOP, manonood kami ng Pirates of the Caribbean. Kaya lang, biglang nagkaroon ng schedule ng taping ng soap namin, kaya hindi kami natuloy, at hanggang sa ngayon, hindi pa kami natutuloy. Ngayon sana, kaya lang, ang Sundays ko talaga para sa family. One month na akong hindi nakakasamang sumimba sa kanila. Kaya sabi ko kay Yasmien, saka na lamang namin ituloy ang date namin."

Nanliligaw na ba siya kay Yasmien? Paano na 'yong nali-link sa kanya na SexBomb dancer na si Aifa Medina?

Tungkol kay Yasmien, ang sagot ni JC, "Close na kami, pero hindi ko pa masabi kung love na talaga iyon. Nasa getting-to-know-each-other pa kami, pero gusto ko ang pagigingsweet niya, malambing, mabait siya at maalaga sa akin sa set. Sa ngayon,siya lang ang girl na lagi kong kasama. Last night [June 2],pagkatapos ng album promo niya sa Dasmariñas, Cavite, dumaan siya sa amin saPara—aque City, nanood siya ng laro namin ng basketball."

Tungkol naman kay Aifa, sinabi ni JC na: "Walanaman kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin si Yasmien kung ano ang lasa ng lips ni JC, pagkatapos ng CPR scene nila, sagot naman ng dalaga, masarap daw.

E si JC? Ano naman ang feeling niya sa lips ni Yasmien? At bakit ilang takes ang nangyari, siya siguro ang may gustong mag-retake?

"Malambot," sagot ni JC. "Hindi ako ang may gustong mag-retake. Kinunan kasi ang iba't ibang angle, saka natatanggal iyong plaster na nakadikit sa forehead niya, kaya naka-ilang takes kami."

Binanggit ng PEP na tiyak na magkaka-problema sila ni Yasmien sa kanilang religion. Member kasi ng Iglesia Ni Cristo (INC) si Yasmien at isa namang Roman Catholic si JC. Paano iyon, tiyak na hindi aalis si Yasmien sa INC.

"Hindi rin ako magbabago ng religion dahil simula pa pagkabata ko, iyon na ang kinagisnan kong religion. Siguro, saka na lang namin pag-iisipan iyon. Mga bata pa naman kami ni Yasmien," patapos ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN