Mark Herras on Jennylyn Mercado: "Work na lang, wala na 'yong love."


Although Mark Herras and Jennylyn Mercado have broken up, the two remain friends. They appear in Regal Entertainment's horror movie, Tiyanaks.


Mas okay na raw ang relasyon nila ngayon ni Jennylyn Mercado, sagot ni Mark Herras sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang tanungin siya tungkol sa working relationship niya sa dating kasintahan. Nakausap ng PEP si Mark sa presscon ng Tiyanaks ng Regal Entertainment sa Imperial Palace Suites last Sunday, June 3.

"Hindi na kami nag-aaway dahil wala na po kaming pinag-aawayan," biro ni Mark. "We're friends naman at trabaho na lang talaga kami."

May kissing scene ba sila sa movie na idinirek ni Mark Reyes? Ano ang feeling niya sa kissing scene na iyon?

"Meron po, once lang sa buong pelikula, although ilang angles po ang kinunan ni Direk sa amin. Work na lang, wala na 'yong love. Para po 'yong pinag-partner kami na bagong magkakilala tapos pinag-kissing scene kayo."

Nag-volunteer si Direk Mark sa pagkukuwento na iba na si Mark. Kung dati raw, nang idirek niya sina Mark at Jennylyn sa Encantadia at sa movie nilang Eternity, kapag kissing scene na, sasabihin daw lang niya ang "O, kiss na kayo" at bahala na ang dalawa kung ano ang gusto nilang kiss. Pero dito raw sa Tiyanaks, nilapitan siya ni Mark at tinanong ng "Paano ang kiss na gusto mo Direk, na hindi mao-offend si Patrick?" Ang tinutukoy ni Mark ay si Patrick Garcia, Jennylyn's present boyfriend.

"Mas mabuti na po 'yon, kasi friends naman kami ni Jen at okay din naman kami ni Patrick. Ayaw ko pong maka-offend," sabi ni Mark.

First horror movie pala ito ni Mark at inamin niyang medyo nahirapan siya.

"Nakaka-tension at nakaka-drain po pala ang gumanap sa horror movie. Lagi kaming sumisigaw sa takot, takbo kami nang takbo. Napanood ko po 'yong Tiyanak ni Ate Lotlot [de Leon)], pero mas grabe pong nakakatakot ito dahil sa high-tech na ang mga special effects na ginamit nina Direk Mark."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalaman tuloy ng PEP na matatakutin pala itong si Mark.

"Gusto ko pong manood ng horror movie, pero hindi ako pwedeng mag-isa lang. Kapag natutulog ako sa room ko, okay lang akong mag-isa pero bukas ang ilaw. May isa po akong eksena na nahulog ako sa balon, malalim po ang hukay, hindi ako pumayag na wala akong kasama. May tubig po kasi, natatakot ako, baka may mga insektong lumabas.

"Pero kahit po nakakatakot ang mga eksena namin, nag-enjoy naman po kami dahil naka-bonding ko ang ibang artistang ngayon ko lang nakasama, like Rica Peralejo, TJ Trinidad, Jill Yulo, Alwyn Uytingco, and Andrei Felix, plus ang mga child stars na sina Mika dela Cruz at si Nash Aguas."

Sunud-sunod ang projects ni Mark sa TV at movies, may dancing albums pa siya na lagi namang successful. Ang tanong: may business na ba siyang gustong simulan?

"Hindi pa po ako nag-iisip ng business," sagot niya. "Gusto ko po munang mabayaran nang buo ang house and lot na tinitirhan namin ngayon. Next year po, matatapos ko na 'yon. Gusto ko nga pong bumili ng bagong kotse, pero pinag-iipunan ko pa rin po muna, ayaw ko kasi ng utang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN