Vandolph to marry his longtime girlfriend in December


Vandolph to Jenny Fernandez: "Kahit mawala na ako sa mundo, nandiyan pa rin ang pagmamahal ko para sa iyo at lagi akong nasa tabi mo. I will make you happy for the rest of your life and I will make you happy every day."


Nakatakdang magpakasal si Vandolph this year sa kanyang girlfriend of four years na si Jenny Fernandez, isang dancer. Ang marriage proposal ay isinagawa ng anak ng King of Comedy na si Dolphy at ni Alma Moreno sa kanyang 23rd birthday last month.

Isinapubliko lamang ni Vandolph ang planong pagpapakasal kahapon, June 4, sa taping ng show nina Lucy Torres at Wilma Doesnt, ang The Sweet Life, sa QTV 11, na mapapanood simula June 18.

Ayon kay Vandolph, sinorpresa niya si Jenny last May 7 habang nagkakasayahan sa birthday party niya.

"Bale sa disco ko kasi ginawa ang birthday ko. Habang nagkakagulo sila sa pagsasayaw, pinatigil ko ‘yong music. Pagkatapos nasa akin lang ang spotlight. Doon ko in-announce ang marriage proposal ko kay Jenny," panimulang kuwento ni Vandolph sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Matagal na naming planong magpakasal, dapat nga last year pa. Kaya lang, ikinasal sina Mark [Anthony Fernandez, his half-brother] at Melissa kaya hindi kami natuloy. Hindi raw kasi puwedeng sukob. Alam naman ni Papa [Dolphy] ang plano ko at payag naman siya. Kahit si Mama [Alma] okay lang sa kanya ang paglagay ko sa tahimik," saad pa ni Vandolph.

Sinabi naman ni Jenny ang kanyang naramdaman sa proposal ng kasintahan.

"Feeling ko that time, pinagkaisahan nila ako dahil ako lang yata ang hindi nakakaalam ng plano ni Vandolph. Nagulat talaga ako. Imbes na siya ang masorpresa, ako ang nasorpresa niya. Masayang-masaya siyempre ako," pahayag ni Jenny.

Naluha si Jenny sa proposal ni Vandolph on air, lalo na nang sinabi ng young comedian na: "Kahit mawala na ako sa mundo, nandiyan pa rin ang pagmamahal ko para sa iyo at lagi akong nasa tabi mo. I will make you happy for the rest of your life and I will make you happy every day."

Sagot naman ni Jenny kay Vandolph: "Kahit saan tayo mapunta, hindi kita iiwan. At sinasabi ko sa iyo na ako na ang huling babaeng mamahalin mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya buntis si Jenny kaya sila magpapakasal?

"Hindi pa naman,"sagot ni Vandolph. "Wala namang problema kung mabubuntis siya, e. Noon pa nga namin hinihintay na magka-baby kami, pero hindi pa talaga dumarating. Handa naman kami pareho sakaling mabuntis siya at hindi namin 'yon itatago kung sakali. Ipagsisigawan ko pa ‘yon sa buong mundo.

"Sa dami ng pinagdaanan namin, doon din [pagpapakasal] naman ang punta namin. Kaya kami magpapakasal, para mas mailagay sa ayos ang aming goals at ‘yong mga priorities sa buhay," giit pa ng anak ng King of Comedy.

Ikinuwento rin ni Vandolph na ngayong araw, June 5, ay pupunta sila ni Jenny kay Joy Lim, feng shui expert, para ikonsulta kung anong maganda at suwerteng araw sila maaaring magpakasal this December. Disyembre kasi ang anniversary ng dalawa kaya iyon ang gusto nilang date para magpakasal.

Sinabi pa ni Vandolph na mas determinado siyang magtrabaho ngayon bilang paghahanda sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib. Iba na raw kasi ang buhay-binata sa buhay na may-asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN