Dr. Vicki Belo on Kris Aquino: "I think we need time to heal."


"You can find many endorsers, but you cannot find many good friends. Friendship is more important than endorsing [my clinic]," says Dr. Vicki Belo about Kris Aquino.


Hindi napigilan ni Dr. Vicki Belo ang mapaluha nang ikuwento niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at GMA News ang mga text messages na ipinadala sa kanya ni Kris Aquino kamakailan.

Ayon sa beauty doctor, alam niya raw na pipirma si Kris ng kontrata bilang endorser ng Facial Care Centre, isang kumpanya ng kakumpetensiya ng Belo Medical Group ni Dr. Vicki.

"She texted me a week ago. A very nice text telling me that she was gonna sign up with Facial Care. I really think it's wonderful that she's respectful enough to be able to tell me. Wherever she's happy, I'm happy too," sabi ni Dr. Belo.

Sa text daw ni Kris ay nilinaw niyang walang masamang nagawa si Dr. Belo sa kanya. Itinuturing daw ni Dr. Belo na isa itong "vindication" para sa kanya.

Matatandaang nadamay sa maaanghang na tsismis si Dr. Belo at ang kanyang klinika noong kasagsagan ng kontrobersiya sa pagitan nina James Yap at Hope Centeno, na dating empleyado ng Belo Medical Clinic.

Dagdag pa ni Dr. Belo, "She also said in the text that I did not do anything to her. She did not do anything to me and that's not the reason why we parted. We parted because of circumstances beyond our control."

Ayon pa kay Dr. Belo, humihingi lang daw ng kaunting "space" si Kris sa kanilang pagkakaibigan.

Aminado rin ang doktora na sobra niyang nami-miss ang kaibigan. Thirteen years din daw silang naging magkaibigan ng TV host-actress.

"She makes me laugh in the times that we're together, it was really good. Of course, I miss her," sabi ni Dr. Belo.

"I think we need time to heal. Kailangan wala ng emotions attached to this issue. I hope we'll be friends after this issue."

Gusto na raw tapusin ni Dr. Belo ang issue. Nangako siya kay Kris (sa pamamagitan ng pagsagot niya sa text) na hindi na siya magkukomento pa tungkol sa mga isyu sa kanila. Aminado ang doktora na marami pang mas importanteng bagay bukod sa pag-e-endorso ng kanyang negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You can find many endorsers, but you cannot find many good friends. Friendship is more important than endorsing [my clinic]," naluluhang sabi ni Dr. Belo.

Hindi naman daw tinutuldukan nina Dr. Belo at Kris ang kanilang pagkakaibigan. Maaaring kaunting panahon lang ang hinihintay nilang dalawa at manunumbalik sa dati ang kanilang samahan.

"Pareho kami ng [zodiac] sign ni Kris. Sa pagkakaalam ko, wala sa make [sic] namin ang nagtatanim ng galit. Hindi kami nagagalit nang matagal, puwede tampo lang sandali pero mawawala rin yun," umaasang sabi ni Dr. Belo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN